KABANATA 16

22 3 0
                                    

"Why are you packing your things, Hunter?" Napalingon ako kay Deianira na kapapasok ng kwarto ko. May susi si Ehann ng unit ko. Ganun din ako sa kanila. Madalas kasi kina Ehann ako ng didinner or nag breakfast. Ehann is a good cook.

"Pupunta kami ni Azula sa Sinag." Sabi ko habang nilalagay sa bag ang gamit ko.

"Kelan ang alis nyo?"

"Bukas."

"I'm afraid you can't come" sabi nya sa akin at tinaas ang brown envelope.

"Kasama ka sa project sa Air force base. An aircraft building is requested to build this year." Napasapo ako sa ulo ko at kinuha ang envelope sa kanya.

"You have meeting with the Air forces tomorrow and also site visit." Sabi nya sa akin at ngumiti.

Naiinis ako.

"Pero if you are very determined, why ask some of the officers na ihatid ka sa isla ng sinag. They will gladly do that cause you are part of the Prince's team." Ngumiti si Dei at kumaway.

"Bye Hunter." Mapanuyang sabi nya at nilisan ang kwarto ko.

"Inhinyero ka nga pala, Luan." Sabi ko sa aking sarili. Sinarado ko ang bag at binasa ang papeles. May initial site location na sila at listahan ng mga contractor na pwedeng i hire.

Matapos kong basahin ang laman ng papeles ay nagtungo ako sa unit ni Azula at Azure.

Inikot ko ang doorknob at bukas iyon. Nasanay na si Azula dahil na rin sa akin.

"Azula." Pinasadahan ko ang living area. Nagtungo ako sa kanilang dining at kitchen nakita ko syang nagluluto.

"Azula." Napalingon sya sa akin. Nakapuyod sa tuktok ang kanyang maikling buhok at cute na cute ang itsura nya sa apron na suot nya.

"Bakit?" Mataray na tanong nya sa akin.

"Wala lang. Ang cute mo lang tingnan." Sabi ko at ngumiti.

"Umalis ka dito kung mang aasar ka." Sabi nya habang nag hahalo.

"Anong oras ang alis mo bukas?" Tanong ko sa kanya. Kumunot ang noo nya.

"Hindi ka na sasama?" Mabagal akong tumango.

"May biglaang project ako with Air force." Sabi ko at umupo sa stool ng breakfast bar. Ngumiti sya at umiling iling.

"I told you, you have work." Sabi nya sa akin na parang sanay na sanay syang ma declined.

"Dito ka na kumain? 'Di ko rin mauubos ito wala si Azure." Sabi nya sa akin at bahagyang nalungkot.

Napalingon ako sa tabi ng kitchen sink na may isang bouquet ng bulaklak na nakalagay sa vase

"Tinanggap mo?"

"Hindi naman porket tinanggap ko ay oo ang sagot ko. Iniwan sa labas ng unit. Anong gagawin ko? Itapon na lang?" Ngumisi ako sa sagot nya.

"Tss. Oo. Wala man lang syang lakas ng loob na harapin ka eh gagawa sya ng kasalanan." Umiling iling si Azula sa akin.

"Tigilan mo na nga iyan. Hindi naman ako galit. Pero hindi naman ibigsabihin ay okay ang lahat. Tama na ang dumistansya ako." Hindi naman nya alam na alam kong hiwalay na sila. At di ko pipiliting buksan ang puso nyang muli sa akin.

Ang kailangan ni Azula ay maghilom hindi panibagong bato na ipupukpok sa ulo nya.

Nag hain sya sa breakfast bar kung saan ako nakaupo.

Nagtanggal sya ng apron at umupo sa tabi ko.

Tinikman ko ang niluto nyang sinigang. Napangiwi ako sa asim.

Fix youWhere stories live. Discover now