KABANATA 24

33 2 0
                                    

Hindi pumayag si Tito Levi na ibigay kay Tita Titania ang lahat ng share ko sa Yoko dahil ang paliwanag nya ay Carter si Tita dapat isang Yoko ang mag hahawak ng kumpanya. Hindi nila ako masalungat dahil kinuha ko ang lahat ng pinsan ko at dating mga trabahante. Wala akong nagawa kun'di mag tira ng 20% na share sa kumpanya at hinati ang mga remaining sa mga tito at tita ko na namamahala.

Si Tito Henry, inilipat ko kay Tito Henry ang pamunuan ng Yoko. Hindi naman na ako mangangamba dahil noon pa man ay tinutulungan na ni Tito si Mommy at Dad sa pag papatakbo ng malaking kompanya.

"Naiinip ka na ba?" Napalingon ako kay Maveric na syang ksama ko sa proyekto ng bagong ospital ng Renaldi sa sibol. Hindi pinabitawan ni Tito Henry ito sa akin dahil na rin sa isa ito sa pinaka malaking hospital sa Distrito ng Sibol at Agrarian. Dalawang araw ko ng di nakikita si Azula.

"Pinapunta mo ba dito si Jastice?" Tumango sa akin si Maveric.

"Bakit hindi si Azula ang papuntahin mo? Sya naman ang gusto mong makita." Umiling ako. Kung maari lang eh kaladkarin ko si Azula sa lahat ng aking mga ginagawa ngunit alam kong marami syang inaayos para sa kanyang pamilya.

"Busy ang Girlfriend ko, Mav."

"Kaya pinsan nya naman ang pinapunta mo? Naklaro mo na ba kay Jastice ang lahat sa inyo?" Napalingon ako kay Maveric na nagsasalubong ang kilay.Anong lahat sa amin?

Tumawa sya ng malakas.

"Dude, alam naman natin na malaki ang paghanga sayo ni Jastice, hindi ko alam na manhid pala ang Prinsipe ng District 2 sa ganitong bagay."

"Magkaibigan lang kami ni Jastice." Sabi ko at tinutok ang mata ko sa aking screen. Ito ang i prepresent ni Jastice sa Hari ng Solar para sa ektensyon ng eskwelahan ni Prinsesa Andromeda sa Solar. Nagawa naming makahabol, siguro dahil na rin sa nalaman ni Apolo na ako ang may-ari ng bagong kompanya.

"Sa tingin mo. Eh sa tingin nya. Buong pamilya at distrito natin ang nag tatanong kung sino si Azula samantalang bago ka umalis noon ay si Jastice ang kasama mo." Masyadong ginagawang komplikado ng media ang lahat. Bata pa lang kami ay magkakasama na kami nina Deianira at Jastice sa triton. Hanggang ngayon ay hinahaluan parin nila ng kulay ang pagiging malapit ni Jastice sa akin.

"Maging ang pamilya ni Jastice ay gusto ka para sa anak nila. Hindi nila masise si Jastice na sya ang kaunaunahang umiba ng larangan. Ang lahat ng tao ay iniisip na iyon ang desisyon nyong dalawa." Napalingon ako kay Maveric.

"Matagal na gusto ni Jastice na mag Arkitekto."

"Dahil iyon sa iyo. Dude, realtalk. Ilang beses kong nakikita sa kompanya si Jastice na umiiyak. Lalo na nong mga panahon na nag sisimula pa lang sya na mabuno ang work hour nya para makapag board. Hindi lingid sa amin ang diskriminasyon ng kanyang pamilya sa kanya. Alam kong mahal na mahal sya ng kanyang Lola at tanggap ang kanyang propesyong napili ngunit, hindi madali sa kanya iyon. Alam mo naman ang sinapit ni Kuya Rich noong nag Academy sya habang ang expected ni Tito Ricardo ay mag aarkitekto sya. Ganun din si Jastice." Nakaya nya iyong mag isa? Mahina ang kalooban ni Jastice, kung wala nga noon si Deianira ay madalas na mag isa lang si Jastice.

"Gusto ka ni Jastice, bro! At umaasa parin sya sayo kahit may Azula ka na."

"Pero gusto ni Hector si Jastice." Ngumisi si Maveric.

"Ay ang Gulo! Ang gulo gulo nyong tatlo." Iiling iling na sabi ni Maveric. Tumingin ako sa kanya.

"Hindi magulo, Maveric. Si Azula ang girlfriend ko at sya lang hanggang sa dulo. Kailan man ay hindi ko nakita si Jastice bilang Girlfriend ko dahil alam kong bata pa lang tayo ay gusto na sya ni Hector. Si Azula ang papakasalan ko. Wag kayong umasang arkitekto o Inhinyero na tulad natin ang papakasalan ko, dahil hindi ganoon si Azula." Kumamot sya sa ulo.

Fix youWhere stories live. Discover now