Kabanata 29

13 1 0
                                    

Umuwi ako ng balisa sa lahat ng nangyari.. Pag dating ko sa bahay ay nadatagpuan ko si Jastice na pinapagalitan ni Tita Amber dahil sa kahihiyan nyang umamin sa lahat ng tao sa kaarawan ni Luan

"Do you know how scandalous It is, Jastice? Nako Michael pagsabihan mo ang anak mong iyan. Alam nating si Azula ang girlfriend ni Prince Hunter. God Gracious Jastice Alkyn! Ano bang gusto mo? maging kabit?"

Napapikit ako sa sigaw ni Tita Amber kay Jastice. Ngayon ko lang syang nakita na ganoon magalit.

"Mama! Si Azula nanaman! Simula na dumating si Azula, sya na lang ang nakikita mong magaling. Simula ng mag Arkitekto ako ay na diskumpyansa na kayo sa akin dahil di ako nag Doctor." Sigaw nya pabalik sa kanyang ina. Nagulat si Tita sa inasal ni Jastice.

"Jastice Alkyn! Don't talk to your Mother that way. Hindi ka namin pinalaking bastos." Malamig na tinig ni Tito Michael sa anak.

"Ma! Pa! Alam nyong matagal ko ng gusto si Hunter. Bata pa lang ako ay hinahangaan ko na sya pero ngayon dahil lang sa dumating si Azula ay hindi na pwede? Gusto kong malaman nya na mahal ko sya, Mama. Pero dahil dumating si Azula ay hindi na pwede. Pati ang nararamdaman ko ay hindi na rin pwede!" Lumagitik ang sampal sa mukha ni Jastice mula sa palad ni Tita Amber.

"I never forced you to become a doctor, sinuportahan ka namin ng Daddy mo dahil nakikita naming iyon ang hilig mo. Hindi para kunsintihin ka sa kabaliwan kay Hunter. Hindi mo ba naiintindihan ang sitwasyon, Alkyn! Hindi ito tungkol sa pag inbalido sa nararamdaman mo kun'di sa kaistupidahang ginawa mo! Alam kong mahal mo si Hunter at nirerespeto namin iyon dahil iyon ang nararamdaman mo ngunit ang ginawa mo kanina ay isang bagay na pag disrespect sa nararamdaman ni Azula at ni Hunter!" Galit na sabi ni Tita Amber, si Tito Michael ay dinaluhan at inalalayan ang kanyang anak. Sa mga mata nya ang pagsumamo sa kanyang asawa na huwag muling saktan si Jastice.

"Kung gusto mong malaman ni Hunter ay sana ay pinag sa pribado mo hindi iyong aamin ka sa lahat ng tao sa pagtitipong iyon. Pinapahiya mo ang sarili mo, maging ang pamilya natin!" Bumuhos ang iyak ni Jastice. Ganoon din ako noong naramdaman ko ang rejection sa akin ni Thor dahil sa lagi syang umaalalay kay Amara ngunit noong mga panahon na iyon ay sa bisig ako ni Hunter umiiyak.

"Mama, Sorry.."

"Umakyat ka sa kwarto mo at pagisipan mabuti ang ginawa mo--"

"Couz!" Napabaling ang tingin nila sa akin ng nag mamadali akong nilapitan si Axel. Sa mata ni Jastice ang kahihiyan.

"Azula!" napakurap ako kay Axel noong niyugyog nya ang braso ko.

"We need to go to the Airport!" Nagsalubong ang kilay ko kay Axel.

"Tumawag si Higher Court Alix Monteguerero sa akin, hindi ka nya ma contact. Pinapasundo ka ni Haring Apollo dahil naaksidente si Azure sa Solar!" Napaawang ang bibig ko sa pagkagulat. Ang lahat ng takot ko noong nacoma si Azure ay bumalik. Ito na naman. Nagiging magulo nanaman.

Hindi na namin inintindi ang saad ni Tita Amber at nagmadali akong kinaladkad ni Axel palabas ng bahay. Isinakay nya ako sa kanyang kotse habang tulala.

"Com'on Couz! Pull yourself together! Lilipad tayo with Dad. Ang sabi ni Dad baka kung anong mangyari kay Azure. 'Di ba nacoma na sya." Saad ni Axel ngunit hindi ko inintindi. Lahat ng pangamba ay sinalo ng aking utak. Ang takot na muling mawala si Azure sa akin. Oo, may pamilya na kami. Malaki at masayang pamilya ngunit nanatiling nag iisa sa akin ang aking kakambal. Hindi sya mapapalitan ng kung sino man na dumating.

Agad kaming pumasok sa private plane na may Logo ng Solar. Mabilis nag naging byahe na dating lumalampas sa isang oras ay ngayon ay naging madali.

Dali dali kaming pumasok sa Helios Medical, ang mga Bodyguard ni Apollo ay sag kalat sa loob at labas ng hospital. Si Tito Arthur ay agad na kumausap ng doctor at nagpakilala.

Fix youWhere stories live. Discover now