Kabanata 3

18 3 0
                                    

Really? Sent me abroad? Sa Uk?

Ha! At sa mga ngisi nya ay naiirita ako.

Kailangan ko parin syang pakisamahan.

"Oh, akala ko sa isang malayong bansa ang contract mo? Ba't nandito ka sa UK."

Umupo sa harap ko si Azure kasama ang isang magandang babae na sa tingin ko ay kasing edad lang namin.

"May pinadala ang employer ko na documents. Hinihintay ko lng ang flight ko pabalik kaya kinontact kita."

"Buti naisingit pa kita sa schedule ko, Bra." Agad kong binatukan si Azure sa kaangasan na taglay nya.

"Aray! 2 months pa lang tayong hindi nag kikita, hindi ko pa miss 'yang pang pipisikal mo! Kita mo na inaalagaan ako masyado dito eh." Sabi ni Azure na sumulyap sa babae na ngayun ay mahinhin na tumatawa.

Ako ay napatitig sa mala anghel na ganda ng babae, mabini ang kanyang mga kilos na para bang hindi kayang bumasag ng pinggan.

"Azula, Si Miya. Sa kanya ako naka contract." Nag lahad ng kamay ang babae.

"Hello. I'm Azula Einstein." Natigilan ako dahil salitang solar ang ginamit ko. Mag sasalita na sana ako ng english nang sumagot sya sa akin.

"Hello, Nice to meet you. Naexcite ako na makita ang kapatid ni Azure." Sa tinig nya gamit ang Solarian language.

So sya ay taga solar.

Nagtaas ako ng kamay para mag order at nilapitan kami ng waiter.

"Wag ka mahiya dyan kay Azula. Si Azula ang mag babayad sya nag yaya eh." Sabi ni Azure. Nakita ko na hesitant na umorder si Miya.

"It's all mine, order ka lang Miya ng gusto mo." Umorder sya ng Artic roll at isnag strawberry icecream at si azure ay isang sticky toffee na chocolate flavor habang ako ay isang pineapple up side down cake.

"Sure kang mauubos mo yan ah? Kailangan na natin bumalik agad maya maya." Pahayag ni Azure kay Miya. Masaya nyang tinititigan si Miya.

"Bakit? 'Di ba kayo nagpaalam?"

"Hindi. Tumakas lang itong si Miya. Hahaha." Humalakhak si Azure. Habang pinalo ko naman sya.

"Ano ka ba! Bawal 'yang ginagawa mo!"

"Gusto ko naman. Isang beses lang nila ako pinapayagan na lumabas tapos may bantay pa." Pahayag ni Miya sa kanyang tabi.

"No choice naman ako kun'di sundin sya 'di ba? Sa kanya ako naka contract. Kesa may mangyari pa sa kanyang masama habang wala ako. Kaya sinasamahan ko na lang." kahit kelan talaga ang mga reasoning nya ay laging balukyot.

"Eh! Wag na natin pag usapan yung sa akin! Kasama na nga natin si Miya eh! 'Yung contract mo Azula? Kamusta?" Pang uusisa sa akin ni Azure.

"Nag alaga ng bata at nag bantay sa isang liblib na isla sa pilipinas." Sabi ko. Agad na kinuha ni Azure ang cellphone nya at nag search.

"Pilipinas.. pilipinas... pilipi— Philippines? Pearl of the orient sea? Ang layo ah! Galing ka pa doon?" Saad nya.

Tumango ako.

"Sanay ka naman mag alaga ng bata eh. Wala ng mas babata sa ugali ni Amara." Humalakhak si Azure. Tama sya, mas batang kumilos si Amara kesa kay Artemis sa isla.

"Eh kamusta? Bakit ka na'ndito?"

"Umuwi yung kapatid ng bata tapos inutusan ako na mag dala ng documents."

"Lalaki o babae?"

"Lalaki."

"Pogi ba?" Ilang ulit tumaas ang kilay ni Azure at nakangiti ng nakaka loko.

Fix youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon