KABANATA 4

12 1 0
                                    

Pinasadahan ko ng tingin ang closet ni Art.

Tinanggal ko ang mga damit na 'di na kasya kay Art. Ang ilan sa mga iyon ay may price pa at 'di man lang nasusuot. Nagulat ako na pati mga damit ko ay nasa damitan ni Art.

Ilan sa mga damit doon ay nasuot nya na at natutuwa ako na marami sa mga dress ay nasuotan nya na.

"Nay Mape, bakit po nandito ang damit ko?"

"Nako, si Adriene, ang kapatid mo lagi na lang kunin ng kunin ang mga damit mo at syang isinusuot. Hirap na hirap akong damitan ang batang iyon. Buti na lang at ngayun ay nag susuot na sya ng dress pag naka dress din si Azula." Kumunot ang noo ko.

"Azula wear dresses?" Noong una ko syang nakita, ay naka all black syang damit.

"Oo naman. Ngunit kalimitan ay mga maluluwag sa kanya at hindi makukulay. Buti na nga lang at nariyan ang batang 'yon. Nababawas bawasan ang pananakit ng likod ko kahahabol sa iyong kapatid."

"Nagkakasundo sila ni Art?"

"Hindi naman sa lahat ng bagay, hijo. Pero madalas silang magkasama." Ipinatutupi ko ang mga damit na maliit na para kay Art at sinabi kung gusto na imamigay sa mga karatig baryo ay okay lang.

Sa apat na araw ay wala kaming ginawa kun'di maligo sa dagat. Tinutuan ko rin mag langoy si Art sa pool sa gilid ng bahay.

Pero parang may parte sa akin na may hinanahap. Tuwing kakain ko ay napapalingon ako sa upuan sa tabi ni Art na bakante.

Maaga kaming nagtungo papunta sa Manila para sundoin sa airport si Azula.

Agad na sinalubong sya ng yakap ni Art. Nanakatuwa na makita na nagkakasundo silang dalawa.

Sa buong pamimili namin ay nakasunod lang sya. Nais kong sabihin na malaya rin naman syang makakapamili kung ano man ang gusto nya ngunit nauuna sa akin ang kaba.

"Maybe, you can buy shirts and pants. Mas komportable sya sa ganoong damit."Napalingon ako sa kanya. Nanatili ang mga mata nya sa kapatid ko na nakaupo sa isang bench dito sa loob ng boutique.

"You think so?" Tumango sya sa akin at tiningala ako. Hindi ko alam ngunit nabibighani ako sa matataray nyang mga mata.

"Oo. Noong una kong dating sa isla, lagi nyang ginagamit ang mga damit mo. Ang rason nya ay dahil mas komportable sya na suotin 'yun kahit malaki sa kanya." Iniwan ko sa kanya ang mga pinamili ko at ang creditcard ko at muling nag libot sa loob ng boutique.

Pinili ko ang ilan sa mga tshirt at short para sa kapatid ko hanggang sa napadaan ako sa mga dress.

"It would look perfect on her." I whispered and grab some dress na may ibat ibang kulay at style.

Masaya si Art na malaman na may skating ring sa mall na ito ngunit nahaluan ng iritasyon dahil sa lalaking binunggo ang kapatid ko.

"Anong sabi mo?!" Kwinelyohan ko ang lalaki. Gustong gusto ko syang sapakin, ngunit hindi maaari. Hindi ko bansa ito.

"Kapatid mo?! Sa susunod itali nyo para hindi paharang harang na tulad ng aso." Sakastikong tugon ng lalaki.

Kung tawagin nya na aso ang kapatid ko, isnag ignoranteng lalaki, hindi nya ba nakikitang bata lang iyon.

"Sir." Napalingon ako kay Art at Azula. Ang ilong ni Art ay dumudugo habang namumula ang kanyang pisngi..

"Kasalanan nya yan. Paharang harang sya eh."

"Look what you done to my sister!" Malamig na tinig ko sa kanya at hinigpitan ang pag kwekwelyo.

"It hurts, kuya." Turo ni Artemis sa ilong nya at pisngi.

Fix youWhere stories live. Discover now