Kabanata 15

21 4 0
                                    

Parang hangin ang mga nagdaang mga araw. Naging busy kami sa mga pinagawa ni Hecate sa amin ni Apollo.

Akala ko dahil sa engkwentro sa Sinag ay hindi na ako lalapitan ni Luan. Marahil napagtanto nya na gulo lang ang sasapitin nya sa pag lapit nya sa amin.

Hanggang sa isang araw, habang magkasama kami ni Thor sa isang mall ay bigla nya na lang sinuntok si Thor. Kita ko ang galit sa kanyang mga mata at kinaladkad ako.

Tanga ako para palampasin ang lahat ng ginagawa ni Thor para sa pansamantalang oras na kaya nyang ibigay sa akin. Dahil sa mga oras na iyon ay sumasaya ako.

"Please wag mo sabihin kay Azure." Pag mamakaawa ko sa kanya. Ayoko na maipit nanaman si Azure. Dahil alam ko na unti unti syang lumalayo kay Thor.

"Anong wag? Ginagago ka na ng lalaking iyon, Azula. Habang pinapakita mo parin sa lahat na okay kayo kahit ang totoo pinag pipirapiraso ka nya." Namuo ang luha ko ng makita ang galit nyang mata sa akin.

Please wag kang ganiyan. Sanay akong naiintindihan mo ang lahat ng disisyon ko.

"Kasi labas ka dito. Labas ka sa kung anong meron kami ni Thor sa kung ano ang piliin ko para sa sarili ko." Paliwanag ko sa kanya wishing na maiintidihan nya. Umiwas ako ng tingin.

"Pero damay na ako dahil mahal kita! Ayoko masaktan ka sa lalaking iyon.—"

"Pinili ko iyon, Hunter. Iyon ang gusto ko. Kaya please Luan wag mo na pagulohin pa ang lahat. Kailangan kami ni Apollo at Hecate. Kami ni Azure. Ayoko na ma occupied sya sa kung anong meron kami ni Thor. Please." Para akong nakikipag patentero sa aking sarili. May parti sa akin na nais kong manatili si Luan sa akin bilang taong lagi kong masasandalan. Pero iba na ngayon. Kalaban namin sya.

"Go Azula." Napatunghay ako at tumitig sa kanyang mga mata. Wag. Please.

Wag mong gawin ito, Luan.

"Run back to him. But don't come rushing to me when you are all broken. Dahil lagi kitang binubuo para lang paulit ulit nyang sirain." Naiwan ako doon na nakatayo. Paulit ulit na nag eeco sa isip ko ang kanyang sinabi.

Napahawak ako sa aking dibdib na unti unti kumikirot. Bawat hakbang nya papalayo ay syang pag bigat ng bawat hakbang ko kay Thor.

Hindi nagbago ang mga sumunod na mga linggo at bwan. Naging mas naging komplikado ang lahat. Lalo na sa mga panahong nag lilihim si Hecate kay Apollo.

Sa pagitan namin ni Thor ay walang pinagbago. Hindi ko malaan kung okay ba kami o dahil sa wala ng spark ang relasyon namin ay nanatili kaming kampante na okay kami.

"Laging kasama ni mangangaso si Hecate." Mabilis akong napalingon kay Azure. Umakto akong kaswal at walang pakialam.

"Sabi ni Apollo?. Tumango si Azure.

"Sabi ko nga, mahirap 'yun pero saludo ako sa tiwala ni Apollo kay Hecate. Never nyang naisip na mag loloko si Hecate. Natural na mag selos dahil ganoon ang lalaki pag ayaw nyang makitang masaktan o nasa ibang ang mahal nilang babae, pero never nyang pinagdudahan si Hecate."

Siguro iyon ang kulang sa relasyon namin ni Thor. Ang tiwala ko sa kanya ay hindi kelan man nabuo. Siguro dahil alam ko at nakikita ko hindi naman nag babago. Umuulit lang ng umuulit. Unti unting nababasag ang tiwala ko kay Thor.

Kaya paano ko maipapaliwanag o masasabi ang buo kong pagkatao sa kanya. Kung ang salitang peace of mind ay hindi ko maipag katiwala sa kanya.

Magkasama sila sa isang departamento at nag aaral para sa parehong propesyon. Paano ako magkakaroon ng peace of mind? Paano ako magtitiwala ng buo?

Fix youWhere stories live. Discover now