KABANATA 22

21 2 0
                                    

Nagising ako sa tawag ni Azure sa akin.

"Sundoin ko mamaya ang kapatid ko." Napamulat ako at nakita na may araw na sa malaking salamin. Ang syudad ng settlement ay tanaw na tanaw mula sa aking kama.

"Hmm. Sige. Ano oras?"

"Alasyete ang sabi ko 'di ba?" Mahina akong tumawa at tiningnan ang relo sa tabi ng kama. Bahagya akong gumalaw at mahina na pinalo ni Azula ang dibdib ko.

"Mahal.." bulong nya habang nakapikit.

"7:30 na Azure." Inalo ko ang likod ni Azula. At hinalikan sya.

"8:30. Tulog pa ba?" Tumango ako kahit hindi nya kita.

"Oo eh, anong oras ang flight mo pa Sibol?"

"Axel, anong oras duty mo sa ospital? San si Dam?—- 10am—ikaw kaya sumundo kay Azula?" Rinig kong sigaw ni Azure sa pinsan nila. Hindi ko kilala si Axel, pero si Dam ay madalas kong makita na sumusundo kay Jastice noon.

"Dalhin ko na lang si Azula sa gate nyo sa ancestral house." Gumalaw si Azula at nakita ko na nagmulat sya ng kaunti.

"Sundoin sya ni Axel, kung nasan ka. Nasan ka ba?" Tumingin si Azula sa akin at humalik ako sa tuktok ng ulo nya.

"Nasa Yoko Company. Pasabi na lang kay Axel na sa may gate na lang kami mag kita."

"Good morning Luan." Mahinang sabi ni Azula sa akin.

"Good morning." Nakangiting sabi ko at nilayo ang cellphone sa tenga ko.

"Si Azure ba 'yan? I loud mo nga." Iniloudspeaker ko at narinig namin ang maingay sa kabilang linya.

"May duty si Axel sa ospital ng after lunch, sasabay na sya sa akin dahil kasama nya si Tito Arthur papunta sa Facility ng Renaldi. Pwede mo syang i drop sa ospital nandun naman si Dam dahil maaga syang mag roround." Magulong sabi ni Azure.

"Azure, punta akong district 1, bibili ako ng cellphone." Sabi ni Azula na nakayakap parin sa akin.

"Good morning sis. May pera ka? 'Di bibigyan ng cellphone doon ang walang pera."Natigilan si Azula.

"I can pay for her bills, Azure. Hahaha. Ako na lang bahalang mag hatid sa kanya kay Axel." Sabi ko at tumingin kay Azula na nahihiya.

"Nakay tita Amber pa lahat ng cards ni Azula eh. Sige bro, bayaran ko na lang pag nagkita tayo." Ngumisi ako sa sinabi ni Azure.

"It's fine Azure. She's my girlfriend."

"She's your Millionaire girlfriend. Hahaha kaya nyang bilhin lahat ng cellphone sa mall. Basta kay Axel mo sya ibigay ah. Azula, sa sibol na lang tayo mag kita. Bilisan mong umuwi at hahanapin ka na ni Tita Amber. Hindi pumasok iyon sa Facility para sayo."

"Okay... ingat Azure." Inaantok na saad ni Azula. Pinatay ko ang tawag at niyakap ang si Azula.

"Antok ka pa." Umiling sya sa akin.

"Kailangan ko ng umuwi. Baka mapagalitan si Azure dahil sa akin." Sabi nya sa akin. Para kaming mga 18 years old na may nag hahanap pag di umuwi ng bahay, pero ngayon lang kasi naramdaman ni Azula ang pagmamahal ng isang familya. Dati ay si Azure lang ang mag hahanap sa kanya ngayon ay ang buong Renaldi na.

"Okay. I see you when we both have time." Tumango sya sa akin.

"Igala mo muna si Art." Tumango ako sa kanya.

"Yes po. Can i take a shower?" Tanong ko sa kanya. Humiwalay sya sa akin at ako ay nagmadaling nag shower at nagpalit ng casual.

Pag labas ko ay nakatingin sa salamin si Azula. Medyo nagusot ang damit nya dahil sa pag kakahiga magdamag sa kama ngunit nananatili syang maganda.
Sinuotan ko ng shades si Azula alam kong baka may ilan sa mga tao ang picturan kami sa pag labas ng building.

Fix youWhere stories live. Discover now