KABANATA 8

24 1 0
                                    

Gusto kong lumingon ngunit bibigyan ko lang ng dahilan si Art na humabol pang muli sa akin. Masyadong masakit iyon para sa kanya at parang binibiyak ang puso ko na makita syang umiiyak.

My poor little sister. Why do dad need to do this? Bakit hindi na lang sa isla ng Amandayo sya itinago? Bakit kailangan ay malayo pa sa bansa ng Luna?

After kong ayusin ang ilang dokumento ay umuwi na uli ako ng Luna. Tulad ng dating ruta ay sakay ako ng submarine ng Yoko at dumaong mismo sa district 3. Ang mga tauhan ni Arche ay kinapkapan ako ngunit alam nila na awtorisado ito ng kanilang prinsipe.

Bukod sa dito rin lumalabas ang kalakal ng Luna ay ito ang pinaka same na gawain para 'di ako mahuli.

Sa kumpanya ng Yoko ako nagpalipas ng gabi. Dala na rin ang dukumento ng shipment industry sa labas ng bansa.

Kalahating oras kong tinititigan ang mga larawan ni Azula at Art noong nasa isla kami.

Aaminin kong nabighani ako sa kanyang ganda. Hindi sya iyong babaeng may mahaba na buhok at maputing kutis ngunit ang kanyang morenang balat sa kanyang balingkinitang pangangatawan, masungit ngunit nakaka akit na pigura ang nakanakaw ng aking atensyon.
Ang katamtamang singkit ng kanyang mata, maliit at mapupulang labi, matangos na ilong at nakakatunaw at seryosong titig ang syang kinahuhumalingan ko ngayun.

Malayong malayo sa nais kong babae na tulad ni Jastice.

Mas gusto ko siya dahil kaya nyang alagaan at protektahan ang sarili nya.

Napangisi ako at napailing.

"Damn that punched." Hindi nga ako ng tumumba noong mga panahon na iyon, ngunit ang puso ko ang lubos na natamaan sa angkin niyang karisma at kaangasan.

Pasikat na ang araw nang mapag disisyonan ko na umuwi. Buong araw kong binaon ang sarili ko sa kama dahil na rin sa patong patong na jetlag.

Kinabukasan ay wala akong ginawa kundi pumasok.
Nakakapanibago dahil wala si Jastice noong araw na iyon.

Nag iwan na rin ako ng mensahe sa kanya na nakabalik na ako ngunit wala syang kahit anong tugon.

"Where's Jastice?" Tanong sa akin ni Dei.

"Hindi pumasok. Hindi nagrereply sa akin, sayo ba?" Nag kibit balikat sya.

"May gig ako mamayang gabi, with The Crescent. I want you to come." Walang kapaguran si Deianira. Simula noong nag hit ang kanta ng The Crescent featuring Deianira ay lagi syang isinasama sa gig. Masyadong pinapasikat ni Deianira ang The Crescent.

"Buti naisisingit mo pa 'yan sa Sched mo?"

"Of course, I have a beautiful and hardworking manager. And thank heavens that i have a brother, 'no. Sya gumagawa noong ibang bagay." Masiyahing sabi ni Deianira at tumayo na.

"Where you going? Aren't you join me to eat lunch?" Tanong ko sa kanya. Umiling sya.

"Hinahanap ko lang si Jastice, tell her na pumasok na kasi finals week na next week. She'll miss your review. Sorry I can't eat with you Hunt, may aasikasuhin ako eh. Bye! See you around."

Nagpatuloy ako sa pag kain at pumasok na sa next subject ko.

Nakakatamad ang klase pag wala si Jastice sa tabi ko na minsan ay nakakatulog pa.

After ng klase ay nag punta ako sa Triton University Para sa extra course para sa akin. Ito ay personal na issue sa akin bilang crown prince. Tungkol ito sa business at pagpaptakbo ng district. Si mommy na ang nasa sector ng paggawa, kaya natural na may mga ganito akong subject tatlong beses sa ilang linggo.

Fix youWhere stories live. Discover now