You and Me

4.5K 103 20
                                    

Nilagok ni Mesa ang alak sa baso at pinuno ulet iyon. Minasahe niya pa ang tagaytay ng kanyang matangos na ilong at ngumiwi ng tinapawan ang namamagang black eye. Naiirita rin siya sa neck brace na temporaryong inilagay sa kanya. Higit sa lahat ay ang pakiramdam na nawawala ang karamihan sa kanyang mga ngipin, lalung lalo na ang nag-iisa niyang ginto.

Nang tumingala’y nadatnan niyang muli ang magulo niyang opisina. Sana’y kung hindi nangyari ang nangyari sa kanya isang linggo na ang nakakaraan, plano niya na sigurong sumugod sa darating na Lunes. At sa panahong iyon, sana’y hindi na ito ang magiging pipitsuging kuta niya. Puro na lang sana... Magsisimula nanaman siya sa pinakauna. Kung naging maingat lang sana siya’y... Napabuntong hininga naman si Mesa at wara-warang tumayo na kinalat pa ang lahat ng mga nakakalat na dokumento sa kanyang mesa.

Binuksan niya ang aparador sa kanyang tapat at inilabas ang folder ng grupong dapat sana’y kasabwat na niya ngayon, O dapat sana’y nailigpit na. Ngunit nabigo siya. May tinatago pa palang alas ang lampang babaeng iyon. Ngunit hindi pa rin siya makapaniwala na matatalo siya sa dalawang walang kwentang kababaihan na walang alam sa mundo kundi ang umangat ng mas mataas pa sa mga lalakeng katulad niya. Natalo siya... Natalo siya...

Lumakad siya sa kanyang opisina at huminto sa isang corner kung saan nakahalay ang isang dart board habang hawak ang larawang nakuha sa pagsubaybay kay Tough. Agad niyang ikinabit ang larawan sa board at binunot ang limang pirasong bala saka lumayo ng konti.

“Walang hiyang babae ka.” Untag niya’t tumira ng isa. Agad iyong tumama sa may leeg ni Tough sa larawan, “Babalikan kita. Hindi pa tayo tapos. Makikita mo, papatayin kita! Pati na rin ang lahat ng mga bata mo!” Tumira siya ng isa pa. At isa pa. Titirahin na niya sana ang panghuli nang bumukas ang pinto ng opisina. Agad siyang lumingon rito’t nadatnan ang isa sa mga nagtaguyod ng alyansa laban kay Rico at isang matapat na kasosyo.

Muli siyang bumaling sa nakasabit na picture, “Anong kailangan mo Switch?”

“Narito na ang impormasyong hinihingi mo. At magugulat ka sa mga nakalap ko.” Ani ng lalakeng may kabataan at nagngangalang switch. Agad nitong nilaglag ang isa pang folder na puno ng papel.

Nagmamadali namang lumapit si Mesa at maangas na pinulot ang folder, “Siguraduhin mong ikasasaya ko ito. Magsimula ka nang magsalita.”

“Hindi ako sigurado kung panghahawakan mo to upang maging bala mo O di kaya’y mas magiging kaawa-awa ka.”

“Nakikinig pa rin ako.” Humarap pa siya rito’t inalsa ang folder, “Bigyan mo muna ako ng isang rason upang pag-interesan ko pa itong basahin.”

“Ang babaeng...” Napasapo pa si Switch sa kanyang nakaband-aid na ilong, “Nambugbog sa ‘tin ay may impluwensiya na higit pa sayo O ng kay Rico.”

“Natantiya ko nga iyon. May iba pa ba?”

“Isa siya sa mga napakaimportanteng tao sa pandaigdigang sindikato.”

Du’y napahinto si Mesa, umupo siya sa kanyang mesa at sinimulang i-scan ang nakapaloob sa folder, “Diretsuhin mo ko.”

Inilabas naman ni Switch ang isang dyaryo mula sa kanyang likuran, “Tinalaga siyang patay nang sumabog ang kutang pinagtataguan niya. Nasa gera rin ang tribo ng Northern Cabal na kinabibilangan niya laban sa Southern Mob dahil sa pagkasangkot niya sa krimeng pagpatay sa namayapang si Lord Cheng.”

Umawang naman kaagad ang bibig ni Mesa, “Kasapi siya ng Northern Cabal?”

Napatango naman si Switch.

“Sino siya?”

“Ang pangalan niya’y Lauren Cururugi. Ang anak ng head boss ng nangungunang sindikato sa buong mundo. At sa mga sabi sabi, siya rin ang tagapagmana ng trono.”

Babysitting a Gangster (GxG)Where stories live. Discover now