Truth

1.4K 44 1
                                    

Mahalaga ang bawat segundo na meron siya upang isagawa ang napupuna niyang katrayduran sa distrito. Sa bawat yapak at pagtunog ng timbre ng sahig ng kanilang payak na quarters siyang sunod sunod na paglagas ng kanyang pawis. Nung nakaraang araw niya pa tinatantiya ang galaw ng kanyang mga kasamahan sa tuwing hahayo na ang mga ito sa kanya kanyang mga trabaho. Sinuwerteng siya nga lamang ang may pagkakataong bumalik pa rito sa umaga.

Ilang minuto at inilapag na ni Romeo sa maliit nilang mesa ang malaking bag na pagmamay-ari ni Hope. Hindi niya namang kailangan ang pag-iingat sa pagkakapa dahil aaminin niya pa rin naman na siya talaga ang kumuha. At tinatantiya niyang ipagtatanggol siya ng kanyang Big Boss. Mawawala man ang tiwala ng mga kasamahan niyang mga lalake, wala na siyang pakialam ruon.

"Anong ginagawa mo Romeo?"

Nanlaki ang mga mata niya ng marinig ang boses ni Free. Tumingala siya rito at kunyari pang nag-isip ng isang walang kabuluhang rason. Ngunit huling huli na siya sa akto, ano pa ba ang dapat niya ilusot? Inilipat na niya lamang ang mga kamay na nasa loob ng bag at pinamulsa. Humarap siya kay Free na nasa bungad pa rin ng pintuan, binigyan niya ito ng diretsong tingin na siyang nagpamulat rito, "Ang ipinadala ni Lauren ba?"

Marahan siyang tumango, "Alam kong wala akong karapatan dahil hindi ko naman nakasama ang Head Boss, ngunit Free, naamin ko na, mahalaga si Big Boss sa 'ken kaya handa kong gawin ito."

Ilang minuto rin naman silang nagkatitigan bago nagsalita si Free, "Sa tingin ko hindi diyan inilagay ni Hope ang bagay na iyon."

Napataas naman ng kilay si Romeo, "Sigurado ka ba?"

Inilako naman ni Free ang tingin sa mga compartment na nasa kisame, "Magtiwala ka, kilala ko si Hope."

***

Hindi matimbang timbang ni Romeo ang ekspresyon na pinapakita ng kanyang Big Boss habang titig nito ang isang plane ticket at makapal na mga dolyar. Hindi niya rin masukat ang reaksyon niya nang makita na ang bagay na tinatago tago ni Hope sa kanilang Big Boss. Pati si Free ay nagtaka rin, sinong romantikong kasintahan ang magbibigay ng reservation ticket at maraming pera sa kanyang kapareha? Talaga bang mahal niya si Big Boss? E bakit 'di na lamang siya ang pumunta rito't ibihag ito?

"Malay mo, busy talaga si Lauren kaya ganyan." Yun ang sinabi ni Free sa mga katanungan niya at hindi niya masang-ayon kung may punto ba iyon O wala, "Romeo narinig mo ang sinabi ni Boss nung isang gabi, kutob kong magpapatiwakal siya, Kaya ginusto ko to." Dagdag pa nito na mas lalong nagpaalarma sa kanya.

"Big Boss?" Tawag niya rito.

Napahinto naman ito at marahang tumingala sa kanya. Nanlaki naman ang kanyang mga mata nang matantiyang kinakagat ni Big Boss ang labi nito upang ihinto ang pagbadyang panginginig, "Okay lang po ba kayo?"

Binalik nito ang tingin sa mga bagay at tumango-tango, "Salamat Romeo."

Ang ine-expect niya ay ang paglundag nito't pagyakap sa kanya gaya ng sinabi ni Free, napataas na lamang siya ng kilay, umasa pa naman siya ruon.

"Isang reservation yan, kahit anong oras pwede ka nang lumipad. Itatakas ka lamang namin ni Free rito hah. So, kailan mo balak gawin iyon Big Boss?" Sana naman sa madaling madaling panahon na. Naisip niya, alam niyang mapupuna ni Hope kaagad na nawawala ang pakete kaya bago pa man mangyari iyon kailangang nakalayo na ang Big Boss nila rito.

Bumuntong hininga muna ito bago ngumiti at nagsalita, "Hinding hindi ako nagkamali sa pagpili sa'yo. Bweno, Miss na miss ko na kasi yung cabal ko kaya aalis na ako bukas ng madaling araw."

***

Huminto na ang pag-ugong ng bangka, narinig niya na rin ang pag sigaw ng mga envoy at trabahador, madilim pa rin ang pier at tanging mga poste lamang ang nagliliwanag ng maliit na parte ng daungan at iba pang sasakyang pang karagatan. Mukhang matagal pa ang oras upang sumibol ang haring araw at nararamdaman niya pa rin ang lamig ng dis-oras.

Babysitting a Gangster (GxG)Where stories live. Discover now