Secret Weapon

2K 51 6
                                    

Maraming mga bagay ang hindi natin naiintindihan. Maraming mga eksperto ang nagkakandaluhong waldasan ang lahat ng kani-kanilang mga ari-arian upang bigyan ng mga hipotetikal na mga sagot ang lahat ng mga misteryosong bagay. Katulad ng kung paano ba nabuo ang mundo at ano ang mga pinakaunang buhay sa kalupaan. Naririto rin ang walang hangganang pagsusuri ng tunay na pattern ng kalikasan. Ang mapanghusgang inang kalikasan na walang lubos na mga sagot kung kailan ba dadating muli at wawakasan ang lahat. Ang walang katapusang kalangitan ang susunod sa kahiwagaan ng sanlibutan, datapwat nasagi na rin sa isip ng karamihan na kahit sa kasukdulan ay hindi pa rin naman sila mabibigyan ng eksaktong tamang sagot.

Para sa kanya higit ang mga tao sa lahat ng mga misteryosong bagay na kailangang mabigyan ng pansin o pasimpleng pag-interesan. Sa bilyon bilyong ulo na nabubuo araw araw, mapawalang hanggan rin ang nadudulot upang lumihis ang mga daan tungo sa mas modernisadong sibilisasyon. Sa sampung katao na mabibigyan ng opsyon, dadalawa lamang ang tutugma ngunit malinaw na hindi pa rin sila tutugma sa daloy ng kanilang pag-iisip sapagkat malaking porsyento ang mahuhulog sa paiba-ibang motibo. Motibo ang nagdadala sa kasakiman ng tao. Mapasama o mapaganda lahat ay nabubuo sa mga desisyon at pag-oras na magbunga, saka pa malalamang hindi na mababalik ang dati. Lalung lalo na ang magsimulang muli.

Napatanaw si Hope sa pinakamalayong karagatan na madadala ng kanyang mga mata. Sa lalim ng kanyang iniisip hindi niya namalayan ang pagdating ng isa sa mga gangster na nakasalamuha lamang nila pagdating sa isla. Datapwat napakurap sa pagbati nito, pinilit niyang huwag ipalabas ang kanyang iritasyon. Sa mga nagdaang buwan, hindi na gumanda pa ang kanyang kapanglawan. Lalu pa't palagi niyang nakikita sa mga mata ng isa sa pinakaimportanteng tao sa buhay niya ang pangungulila. Sa paila-ilang pagkakataon, nakakaramdam siya ng pagka-guilty sa mga pasanin nito.

"Ah... Boss?" Tinuunan niyang muli ng pansin ang gangster. Boss ang tawag ng mga gangster dito sa mga panauhin nila. Sa pinakauna, akala niya nga'y mga simpleng katutubo lang ang umuokupa sa malaking isla, ngunit kalaunay ang mga taong nakasuot ng mga lumang kamiseta at slaks na nahuhulog hanggang binti, nakadadagdag pa ang lumang tsinelas, morning towel na nakasabit sa mga balikat at ang pangsakang sombrero ay may tinatago palang kontrol at tindig ng pagiging miyembro ng isa sa pinakamalaking sindikato.

"Maganda ba ang balita na dala mo sa'ken?"

"Hindi ko iyon matatantiya." Ani nito, saka lumapit sa kanya dahilan upang gumawa ng ingay ang plangkang sahig na gawa sa mga malalaking puno na galing sa hindi niya matantiyang laki ng kagubatan.

Hindi naman siya naging exaggerated sa paglarawan ng mga gangster na naninirahan sa isla. Simpleng buhay ang ginagawa ng mga ito. Malapit na sa buhay ng isang normal na mga katutubo na bumubuo sa isang barangay. May mga kaukulang mga papel ang mga ito sa pang araw araw. Katulad nalang ng gangster na kaharap niya ngayon na may papel na envoy. Dinidispatsa ito upang makasalamuha ang iba sa mga dispatser ng mga gangster sa mga tribo at magdala ng anu mang mahalagang impormasyon na hindi pwedeng mapaabot sa teknikal na paraan. May mga gangster ring nagpapatrolya sa buong isla, sa mga kabahayanan na timbre lamang ng mga puno na nakaplanta sa buong isla upang magsilbing tuluyan ng lahat kailangan talagang magkaroon rin ng grupo sa pagdedepensa. Sa totoo lang mas mahigpit ang depensa ng distritong ito kung para sa iba pang distrito sa bansa gaya na lamang ng distrito nila, mapasatubig man o lupa. Kaya di malayong may mga miyembro ng 51th at 52th district ang walang impormasyon na naririto rin sa bansa ang isa sa punong financial provider ng buong Eastern Gang. Wala pa naman silang nakakarinig na kuwento na may nagtangka nang sumakop sa distrito nila, nang makita ang isang itim na chinese battleship nung isang araw at nalamang hindi ito nag iisa hindi na nagtaka pa sina Hope.

Napahinto si Hope nang inabot sa kanya ng envoy ang isang supot, "Sa'n mo ito nakuha?"

"Sa sentro. Dala ito ng isa sa mga nakapatrol ruon, ayon sa kanya sa tribo ng cabal nanggaling ang bagay na iyan."

Babysitting a Gangster (GxG)Onde histórias criam vida. Descubra agora