Right Hand

1.2K 42 0
                                    

Tumingala si Romeo kay Hope nang pumalakpak ito nang isang beses. Batid niyang para iyon sa mga atensyon ng lahat at yun nga ang binigyan nila rito. Nakatayo ito sa gitna nila katabi ang nag-aalab na bon-fire na siyang nagbibigay ng pilipit na anino sa buo nitong katawan. Kasalukuyan silang naghihintay kay Big Boss Tough ngayon na halos isang oras nang nahuhuli sa usual na 7:30 meeting. Nilako niya ang kanyang paningin at nahuli ang pagpadyak ni Free sa walang anumang object dahil sa nakaupo ito ngayon sa buhanginan. Hindi kalayuan rito sina Goya at Dom na magkatabi, gaya ni Free nakaupo rin ang mga ito sa buhangin habang siya at si Hope, bago pa man ito lumundag sa gitna nila ngayon, ay komportableng nakaupo sa isang piraso ng bulok na punong kahoy.

Sa totoo lang hindi niya malaman ang dahilan kung bakit bigla na lamang gumaan ang pakiramdam niya sa mga taong kinamumuhian niya noon. Unang una sa lahat, pinahahalagahan sila ni Big Boss Rico kahit mga wala silang kwenta sa kanyang paningin. Pangalawa, dahil magandang klase ng tao si Tough. Nasa mga mata nito ang determinasyon at malaking tiwala sa sarili, kahit pa palagi itong nahaharap sa kahihiyan at nabansagang tagalinis ng dumi sa buong distrito. Magiliw na tinatanggap ni Tough ang lahat ng mga maliliit na trabaho na hindi naman talaga trabaho ng isang gangster. Hindi ito nagbibiro pagdating sa pagpapahalaga ng mga bagay na hindi naman dapat pagtuunan ng pansin, ang mahalaga, lahat ng iyon ay para sa distrito.

Kung paano niya natanggap ng buong puso ang malaking pagkatalo? Simple lang naman, pwera sa siya nga lamang ang pangit na ngayon sa grupong ito at malaki ang utang na loob niya sa mga ito sa pagsasagip sa kanya sa kabila ng pagpapasakit niya sa mga ito noon, tinanggap na lamang niyang mas malaki ang potensyal at impluwensiya ni Big Boss Tough sa pagiging pinuno kaysa sa kanya. Isang araw nagising siya sa kanyang pangalawang buhay na taos pusong pinatay ang sariling pride sa kanyang kokote. Tinanggap niya na ngang Big Boss na niya ngayon si Tough. Sa ngayon, nasa isip niya ang dedikasyong bumawi rito sa pamamagitan ng pagpapawi ng tinatantiya niyang pangungulila, ayon ang lahat sa nakapalagayang loob niyang si Free. Kung paano iyon gagawin, yun ang hindi niya alam, nararapat lang sanang hindi nasunog ang kanyang mukha baka nga susubukan niyang ilathala rito ang kanyang pag-ibig.

"Sa tingin ko'y nababagod na ang lahat kaya gusto kong pag-usapang muli ang ating mga gagawin bukas..." Ang paninimula ni Hope ang siyang nagpabalik sa kanya sa katinuan, "Naririnig mo ba ako Free?" Punto niya sa lalaking pumapagpag na ng jacket niya na nakahilatay sa buhangin sa kanyang likuran.

Humiga naman si Free at inunan ang dalawang palad, "Winery. Tutulungan ko lang naman si Mang Berting sa inventory diba. Tsaka sa-sideline na rin akong umakyat sa mga punong niyog. Gusto ko na talagang bumalik sa gitnang Luzon ulet..." Pinikit muna ni Free ang kanyang mga mata bago muling nagsalita, "Gisingin niyo ko pag andito na si Boss."

Bumaling naman si Hope kina Dom at Goya, "E kayo?"

"Sa lahat ng ayaw ko ay mag review na parang meh exam bukas." Anya ni Dom.

Kumibit naman si Goya, "Nangingitim na ako sa paglakbay sa karagatan upang manisid ng mga perlas. Sana nga lamang makagawa ako kahit ng bracelet man lang gamit non."

"Sus... Nagreklamo pa eh mas mayaman pa nga ata kayo keh Boss." Napabalikwas pa ng bangon si Free, "Kaya kayo nagavolunteer na actual na manisid ay upang mangwapit." Ngumisi pa si Free, "Ilan na nga naipon niyo aber?"

Naalarma naman ang dalawa saka luminga linga sa kani kanilang mga likuran, medyo malayo naman sila sa kampo kaya walang makakarinig nuon, "Easy ka lang Free. Lahat ng ito para sa 'ten."

"Bollocks! Isusumbong ko kayo kay Boss. Isa sa mga araw na ito makikita niyo."

"Huhulaan ko, sa araw na nakaalis na tayo rito?" Anya ni Romeo na may halong pangungutya.

Babysitting a Gangster (GxG)Where stories live. Discover now