Conflict

1.3K 40 6
                                    

Muling sinilip ni Tough ang kabilang banda ng kurtina nagbabasakaling may kung anong kapangyarihan si Lauren na susulpot na lamang sa harap ng mesa nito’t ikakalat ang mga papel na nakahilera ruon. Minsan pa nga’y maririnig niya na lamang na galit itong sisigaw sa kanyang alipores, kasunod ru’y ang pagbukas at pagsara ng pinto at ang pagsulpot nito sa harapan niya. Nagpapalambing. Nang-aakit.

“Ah!” Tili niya nang sapuin ang gasgas sa kanyang baba. Hinde. Sugat nga pala ito na galing sa labanan na naganap kaninang umaga. Ang kauna-unahang totoong gyera na napasukan niya bilang isang lider. Una sa lahat napuno pa siya ng takot at hesitasyon, gaya ng iba pang mga lider na kasama niya’y nabigyan na rin siya ni lord Makoto ng sarili niyang batalyon. Dahil na rin sa isa siyang babae kung bakit nagkaroon ng kaguluhan sa kalagitnaan ng labanan, mabuti’t naresolba niya naman iyon kaagad sa pamamagitan ng isang tama para sa isang kumag na lalakeng nangugulo dahil sa isang babae ang nagbibigay sa kanya ng utos, “Bwiset.” Naani niya sa sarili, inis na inis hindi lang dahil sa katangahan niya kundi pati na rin sa kawalan ni Lauren ng pakialam sa kalagayan niya.

Namasa ang kanyang mga mata ngunit pinili niya ang maging matatag. Siya naman ang pumili na maging ganito hindi ba? Nang matapos ang kanilang bangayan kahapon iniwan siya ni Lauren sa dambuhalang hagdan sa tapat ng building. Hindi man lang inisip na nilalamigan nga siya sa lamig ng klima. Napabuntong hininga na lamang siya at sinimulang hubarin ang kanyang makapal na tux. Habang tinatanggal ang butones sa kanyang panloob na damit naisip niya na rin na siguro mas maganda ang ideya na makituloy na muna siya sa kanyang mga bata. Mas maganda nang may kasamang malapit sa’yo kesa naman ang maiwang mag-isa.

Nakalula na ang kanyang damit nang husto namang narinig niya ang pagbukas ng pinto sa labas. Agad namang umalerto ang lahat ng sistema sa buo niyang katawan at hindi pahuhuli roon ang takbo ng pulso niya, pati na rin ang kung anu-anong imahinasyong nangugulo sa kanyang maduming isipan. Lumapit siyang muli sa materyal na naghihiwalay sa kabilang banda ng silid at marahang hinawi ang tela. Nang makita ang kompostura ng kasintahan ay agad nga siyang trinaydor ng kanyang emosyon, imbes na makaramdam ng galit, mas tumimbang pa rin ang pagkasabik niya rito at pag-alala na baka nalulong nanaman ito sa trabaho buong araw. Nasa gyera na nga sila. Ang gyera na siyang tatapos sa pag-aagawan ng tribong cabal, dito na nga malalaman kung ang lahat ng ito’y mahuhulog lamang sa kabiguan o ang inaasam-asam na tagumpay.

Dumiretso si Lauren sa kanyang mesa at sinimulan ang pag-uusisa sa kumpol kumpol na mga papel sa kanyang harapan. May kung anong kirot naman ang tumagos kay Tough nang mawaring hindi man lang nito siya nilingunan at sinuklian ng isang matipid na ngiti o kahit na tango man lang. Galit na galit nga siya. Ngunit, hindi ko naman iyon kasalanan.

Maya-maya pa’y nakatayo na siya sa tabi nito ang ikinaiinis niya na hanggang ngayon ay hindi nito siya pinapansin, ni hindi nga ito naatinag sa kanyang presensya. Sa ngayon, nakapalit na siya ng kasuotan, isang manipis na v-neck na damit, na may mahabang manggas, “Lauren.” Nasapo niya ang manggas sa may braso at parang batang tumitingin sa paanan na parang may ginawang kasalanan.

“You should rest Tough. Tomorrow... Tomorrow you’ll be heading out again. We need you on the field. I mean all the leaders.” Ani nito na huminto lamang ng ilang sandali upang mag-isip ngunit ni hindi man lang bumaling sa kanya.

Napakunot siya’t naglakas loob na lamang lumapit rito’t marahang inabot ang pisngi nito upang iharap sa kanya. Ngunit, ganuon ka-tigas talaga itong babaeng kaharap niya na iniwas ang kanyang subok sa pasimpleng ikot nito sa leeg sa ibang direksyon, “I do not want to see you.” Muli at tumagos iyon kay Tough na para bang itak na sinaksak sa kanyang dibdib, “You will get more of those or much worse on the succeeding days.” Hindi niya naman naintindihan ang huling pangungusap nito, “Kudos for a good job today.” Hindi niya naman mapigilang ngumiti nang marinig ang katagang ‘good job’, Pinuri niya ba talaga ako? Naisip niya’t binigyan na lamang ito ng dampi sa templo. Naramdaman niya rin ang malambot nitong buhok na napansin niyang humaba na rin na hanggang batok, sa simpleng sensasyon, hindi niya mapigilang malungkot sa inaasta nito sa kanya. Malamig na nga ang panahon, ngunit mas nararamdaman niya ang nalalamig na si Lauren.
***

Babysitting a Gangster (GxG)Where stories live. Discover now