Temper

1.4K 40 0
                                    

Napisil pang muli ni Amado ang tagaytay ng kanyang ilong saka umungol. Hindi niya aakalaing mag-rereact siya ng ganito sa mga nangyari sa nagdaang trenta minutos. Kakarating niya pa lamang sa dalampasigan at suot niya pa rin ang mga basang damit. Hindi niya na rin naisalba ang kanyang mga tsinelas dahil naging balakid lamang ito habang lumalangoy siya. Buti na lamang at may salita naman pala iyong Tough na iyon, dahil hindi nagtagal at dumating na nga ang mga bata niya na may kunot na ekspresyon.

"At pati ang flafla ko nadamay..." Untag niya na wala namang partikular na kausap sa limang bata niyang sumusunod sa kanya. Pumaikot siyang muli sa bangka niyang may malaking porsyon na nasira at natanggal na motor. Ilang metro rin itong nadako sa gilid ng dagat at sa parteng buhanginan. Malamang nangyari ang sira sa ibabaw na mismo ng dagat kung saan naroroon ang mga naglalakihang mga bato, "Hindi ba siya nasaktan sa impact?"

"Nasa magandang kalagayan po siya ng lumapit sa amin boss. Aba eh... mukha ngang masayang masaya." Sagot nung isa niyang alipores. Binigyan niya naman ito ng isang matulis na tingin na siyang nagpatigil at nagpalunok hindi lang rito kundi pati sa lahat. Minsan lang nawawala ang ngiti niya sa labi. Alam niyang yun ang pinakagustong wakasan ng babaeng pinuno na iyon at sa araw na ito mukha nga itong nagtagumpay. Kung sana hindi niya ginawa ito sa kanyang bangka, maaaring kalilimutan niya ang nangyari.

Ngunit hindi, "Sinadya niya ito."

Pumapanhik na sana siya tungo sa mas matibay na kalupaan kung saan ang mumunting distrito niya nang matanaw ang ilang gangsters na paparating. Sa mga suot ng mga itong pormal na tuxedo, mukhang nanggaling ito sa ibang distrito.

Sinuklay na lamang niya ang kanyang basang buhok gamit ang mga daliri tsaka tinago sa likuran ang kanyang mga palad. Napigilan niyang umungot muli nang maalala ang kanyang sombrero. Iniwan niya iyon sa kanyang kinauupuan kanina sa bangka kaya malamang tinapon na iyon ng Tough na iyon.

Gumuhit muli sa kanyang mga labi ang kanyang pirmang ngiti nang tuluyan nang magkalapit ang dalawang grupo. Dalawa sa mga ito ay ang tapat na Big Boss ng unang distrito na si Takashi at si Mari na siyang pangatlo sa puwesto sa buong tribo. Anim na buwan na rin ang lumipas nang sila'y nagkita kita.

"You are wet." Bati sa kanya ni Mari. Di gaya sa ibang mga lalakeng may itim na kulay ng suot, gray naman ang kanya at naka-amerikanang hapit na hapit sa dibdib nitong kay lusog lusog.

Marahan siyang yumukod, "Tomo... Okaeri. What brings you here?"

"Business." Matipid nitong tugon na nagpataas naman ng kanyang kilay.

"Is it about my guests? Isn't their district unfinish yet?"

"You got it 40 %... But as what I said, we mean business and as of today, you need to practice your charisma."

"I don't get it still."

Tinulak naman nito ang wired sun glasses upang isuot sa matangos nitong ilong bago nagsalita, "The statistics of our tribe is falling to hundreds. While the mobs are becoming richer and richer, Lord Makoto can take it no more."

"So...?" May ideya na siya sa pakay ng mga ito ngunit dinesisyon niyang hintayin na lamang ang mas kompletong balita nito.

"You did remember that Lord Makoto said everything that is happening right now is far from over."

Tumango naman siya at mataimtim na nakinig na lamang. "We are going to do our part of the job starting today until everything will be falling to measures."

Napangisi naman si Amado, sa bawat pagdausdos ng malas may mga kapalit namang mga nakakaintrigang mga pangyayari. "So, you are still wet?" Dagdag ulit ni Mari na nagpalaho sa ngiti niya.

Babysitting a Gangster (GxG)Where stories live. Discover now