PROLOGUE

1K 44 13
                                    

OUTBREAK

"THIS section is the worst section I've ever known in my entire existence!" Sigaw ni Ms. Arcadia sa harapan.

Walang nagawa ang iba sa kanila kundi ang tumungo, hindi dahil sa hiya kundi dahil natatawa ang iba sa kanila. Masama ang tingin na iginawad ni Zythe sa mga kaklase. Siya ang president sa kanilang section kaya may karapatan siyang sawayin ang mga walanghiya niyang mga kaklase.

Pero hindi man lang nagpatinag ang mga ito sa tingin na ibinigay nya. dahilan para mapabuntong hininga nalang siya. Sadyang matitigas ang ulo ng mga ito. Kahit siguro mahimatay ang kanilang guro sa sobrang pagsasaway sa kanila, wala lang pakialam ang mga ito. bagkus ay tatawanan nalang. Siya na lamang ang nahihiya para sa mga ginagawa ng kaniyang mga kaklase.

Napaharap siya sa katabi nang maramdaman niyang may kumalabit sa kaniyang balikat.

"What?" Mahinang tanong niya sa kaibigan na si Nuki. napatakip pa ito ng bibig na para bang pinipigilan na tumawa.

"Hindi mo ba nakita kanina? tumalsik yung laway ni Ma'am kay Goa-" naputol ang sasabihin nito dahil malapit ng sumabog ang tawa na kanina nya pa pinipigilan. "Na shoot sa bibig." tumawa ito ng walang boses.

Napairap nalang siya dahil wala naman nakakatawa sa narinig niya.

"Hindi ko alam kung bakit nag-aaral pa kayo. mga wala naman kayong respeto. ganyan ba kayo pinalaki ng mga magulang niyo? hindi nyo na ako nirespeto bilang pangalawang magulang ninyo!" Pumiyok pa ito sanhi na malapit na itong maiyak sa sobrang galit.

Napadako ang tingin ng guro sa isang estudyante na bigla nalang nagtaas ng kamay. Kumot lamang ang kanyang noo at hinihintay ang sasabihin ng isang estudyanteng lalaki.

"Ma'am, time na po."

Lalong nag-init ang ulo ng guro nang marinig ang sinabi nito. nagpadagdag sa inis niya ang mga estudyanteng nakayuko habang tumatawa.

Napatampal nalang sa noo si Zythe dahil sa ginawang iyon ng isa niyang kaklase.

"CLASS!" Tumahimik ang mga estudyante dahil sa pag-saway ni Zythe sa kanila.

Walang respeto ang mga ito sa lahat ng Guro nila pero pagdating sa kaniya napapasunod niya ang mga kaklase. Wala naman siyang ibang ginawa kundi maging isang mabuting presidente sa klase kaya kahit papaano nakokontrol niya ang mga ito.

Nagpapasalamat ang mga mata ni Ms. Arcadia sa kaniya dahil sa ginawa niyang pag-saway. tumango nalang siya dito para maipagpatuloy nito ang sasabihin.

"Tama ang mga taga SA Students. na walang respeto mga taga public school walang ibang gawin kundi makipagbasag ulo at sumali sa gulo." tumatango pa aniya nito. "Sana man lang pinatunayan niyo na mali ang pagkakaalam nila sa mga taga public."

Tumahimik ang lahat dahil sa sinabi ng Guro. wala ng tumatawa at lahat sila ay biglang naging seryoso. pag taga Sa'Fier Academy ang pinag-uusapan bigla nalang sumeseryoso ang mga ito. Ayaw na ayaw nilang naririnig ang tungkol sa mga tao na nandooon.

"Class Dismissed mga punyeta!" sigaw ni Ms. Aracadia bago lumabas ng kanilang classroom.

"Anong karapatan niyang ipagkumpara tayo sa mga taga Private? utak tae ba siya." Galit na sabi ni Janella.

ZOMBIE OUTBREAK: SAVE OR NOTHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin