CHAPTER 4

394 27 12
                                    

ANGEL


MAG-IISANG oras na simula nung umalis si Troy at Alterson. pero wala parin kaming naririnig na tugtog mula sa field ng SA. Building ng Senior ng SA ang katapat ng bintana sa likod ng building nito ang field. kaya maririnig namin agad kung sakaling tumugtog ang malakas na speaker sa field.

Pinagmamasdan ko si Andrea na umiiyak sa gilid. patuloy parin ang pag-aalo ni Angel sa kaniya. si Harper naman nakatulala lang sa may bintana. samantalang si Framine naman nagreretouch ng kaniyang make up. kahit kailan talaga! siguro kahit saan mo i-lugar ang babaeng ito importante parin sa kaniya ang lagi siyang maganda.

"Hindi naman pageant ang pupuntahan natin. hindi naman hihimatayin ang mga zombies sa ganda mo." Asik sa kaniya ni Shazi.

Tinirikan naman siya ng mata ni Framine. "If insecure, close your eyes." bumalik ito sa pag pahid ng face powder sa kaniyang mukha.

"Ako naiinggit, sayo? saan naman banda ang kainggit-inggit sa'yo. mukha kang payaso na mag peperform sa birthday party."

Hindi ko na pinansin ang pagtatalo ng dalawa. Abala naman si Jester at Kio sa pag gawa ng magagamit namin pang laban.

Bakit kaya ang tagal nung dalawa? naniniwala ako sarili ko na buhay pa sila. siguro natagalan lang baka na-stock sila sa kung saan para magtago. Matalino si Alter naniniwala ako sa kanila na magagawa nila ang plano. pilit ko na kinukumbinsi ang sarili na walang mangyayari na masama sa kanila.

Dalawang kahoy lang ang dala nila kanina. yung kahoy ng walis tambo na pinatulisan ang dulong bahagi. hindi ko alam sapat na ba iyon na panlaban para makaligtas sila. nanlalamig ang mga kamay ko dahil sa kaba.

"Mahirap gumalaw pag madilim. may tatlong oras nalang bago magdilim." napatingala kami nang biglang mamatay ang ilaw. "At wala na ngang kuryente." napabuntong hininga si Jester.

"I'm starving." maarte na sabi ni Framine habang nagpapadyak ang paa.

"Kung nandito si Troy ang sasabihin nun 'Till I tasted you.'." natatawang sabi ni Angel.

"Bakit ang tagal nila." napasabunot sa sariling buhok si Harper dahil sa frustration na nararamdaman.

Gusto ko sana siya pakalmahin pero baka bigla niya ako sabunutan at sa akin ibaling ang pagka-inis niya. kasi ako naman ang dahilan kung bakit wala si Alter dito.

"Chill, Harper. kailan ka pa nag-alala kay Alter? hindi naman kayo nagpapansinan dati." gusto kong kurutin si Shazi sa singit dahil ang manhid niya. obvious naman na parehas may tinatagong feelings ang dalawa para sa isa't isa.

Kahit ako hindi ko napapansin ang tungkol doon nung time na normal pa takbo ng mundo. kasi hindi naman talaga sila nagpapansinan. saka lang sila naging close nung nagka zombie apocalypse na.

"Dzuh, obvious naman sa classmate niyong warfreak at mean na may gusto siya sa kaklase niyo. Brainless, Shazi. Brainless."

"Framine." saway ko sa kaniya. baka kasi this time palabasin na talaga siya ni Harper sa pinto.

Tumango ito at kunwaring isinara ang zipper ng bibig niya. nag sign pa ito ng okey sa akin bago umirap.

"Masamong damo si Troy, right?" biglang pagsasalita ni Andrea. "Sabi ni Framine. masamang damo siya ibig sabihin hindi siya agad mamamatay." naluluhang sabi pa nito.

"Yes, gurl." sagot ni Framine.

Lumapit ako sa gawi ni Andrea. nang makalapit ako lumuhod ako sa harapan niya para magpantay kami. marahan akong ngumiti at habang nakapatong ang kamay ko sa balikat niya.

ZOMBIE OUTBREAK: SAVE OR NOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon