CHAPTER 14

288 21 0
                                    

COMA

BUMABA na kami ng kotse habang si Kio at Troy pinagtulungan buhatin ang tatlong galon ng gas. kasing laki naman ng galon ng tubig yung pinaglagyan namin kaya sapat na iyon para sa bus.

Ilang beses pa akong kumatok ng pinto nang pagbuksan ako ni Shazi. Nanlalaki pa ang mata nito sa gulat nang makita ako. nakita ko ang pag-aalala sa mukha nang pagbuksan niya kami, ngayon mukha lumuwag na ang pakiramdam niya.

Mahigpit niya akong niyakap at natawa naman ako bago yumakap pabalik.

"Gosh, Zythe! hindi ako mapakali sa sobrang pag-aalala sa'yo!" kumalas na ito ng yakap sa akin. "Bakit naman kasi hindi ka nalang nagpa-iwan dito?" halos naiiyak na sabi niya pa.

"Drama mo. nandito na nga ako oh! buhay na buhay!" sabi ko with matching naka wide open arms.

"Ang tagal niyo." sabi ni Andrea na bigla nalang sumulpot sa tabi ni Shazi.

"Natagalan kami kasi sandamakmak ang nakasalabong namin na zombie. kung hindi ba naman kasi nagpaputok yung si Troy."

Bumalatay ang pag-aalala sa mukha niya. "Where's Troy? Is he okey?" tanong niya habang tumitingin-tingin sa likuran ko.

"Okey kami lahat. binubuhat lang nila yung gas na nakuha namin."

Tumango ito na parang nabunutan ng malaking tinik sa dibdib.

Pumasok na kami sa loob nakita ko ang ilan sa kanila at yung iba mukhang nasa kwarto dahil hindi ko sila nakikita.

Bitches come and go brah
but you know I stay

Tumitingin-tingin ako sa paligid para malaman kung kanino nanggagaling yung tugtog. nakita si White at Jester nagtitiktok sa gilid. nahuli ko pang kumindat si Jester sa dulo ng tugtog.

Si James naman nakaupo sa sofa habang kumakain ng boy bawang. mukhang badtrip ito base sa ekspresyon ng mukha niya. dinadamay pa yung boy bawang sa pagka-badtrip niya halos masira na kasi ito habang kumukuha siya loob.

Problema ng mga tao dito?

"May nangyari ba dito noong umalis kami?" bulong ko kay Andrea.

Nagtatakang napakunot ang noo nito. "Wala naman." iling niya.

"Bakit parang badtrip ang mga tao dito?"

Nakita ko si Harper na nakaupo nakahalumbaba sa lamesa habang tulala sa kung saan. biglang naging weird ang mga tao dito.

"Hello, everybody! miss me?" salubong ni Troy nang makapasok ng ang mga ito.

Humarap sa akin si Kio. "Naisalin na namin yung gas sa bus."

Tango lang ang isinagot ko dahil parang nahawa ako sa vibes ng mga tao dito.

Napasimangot si Troy nung walang pumansin sa pagsalubong niya. pakiramdam ko bigla nalang bumigat ang talukap ng mata ko dahil sa pagod.

Gusto ko nalang matulog.

"Shazi si Framine?" Tanong ko. dahil hindi ko makita ang babae sa paligid.

"Nasa kusina nagluluto. 9pm na kasi nagutom talaga kami kakahintay sa inyo."

Tumango ako. "Pahinga lang ako at wag mo ko gisingin. magigising naman ako kapag nagutom, tirahan niyo nalang ako."

Hindi ko na siya hinintay sumagot pa at tinahak ko na ang daan papunta sa kwarto. pagkapasok ko, ibinagsak ko ang katawan sa kama. napapikit ako dahil nasarapan ako sa lambot ng kama.

Ilang minuto pa ako nakapikit nang tuluyan ko nang maramdaman ang antok.

NAGISING ako nang makaramdam ako ng gutom. bumangon ako sa kami at tumingin sa paligid. nakita ko si Shazi, Framine, at Andrea na natutulog sa kama. katabi ko kasi si Shazi nang maging ako.

ZOMBIE OUTBREAK: SAVE OR NOTWhere stories live. Discover now