CHAPTER 15

291 23 0
                                    

GAME




LUMABAS na ako ng banyo pagkatapos maligo. nakakita  kami ng mga damit sa drawer at iyon ang ginamit namin na pamalit. may damit pang babae at lalaki naman kaya sapat na iyon para mapunan ang pangangailangan namin.

Kinukuskos ko ng tuwalya ang buhok ko habang naglalakad papunta sa sala. nang makita ko si White at Troy bumalik na naman sa isip ko ang kababalghan na ginawa nila kagabi sa kusina.

"Grabe ka, Zythe! sobrang tinanghali ka na gumising. hindi ka na tuloy namin ulit nakasabay kumain ng tanghalian." sabi ni Shazi.

"Pero tinirahan ka namin." Nakangiti na sabi ni Safier.

Sinuklian ko rin siya ng isang ngiti na mabilis din naglaho dahil sa ginawang pag singit ni Troy.

"For sure hindi iyan gutom. busog na busog kaya iyan kagabi! naglamunan kaya sila ni Matreus sa kusina."

Pinamulahan ang mukha ko dahil sa sinabi ng lintek na si Troy.

Ang mga kasama namin na kaninang may kaniya-kaniyang mundo ngayon ay nabaling na ang atensyon sa akin. gulat ang nakarehistro sa mukha ng mga ito.

Gusto kong ibalik sa kaniya ang sinabi niya. dahil siya naman talaga ang may kalamunan kagabi.

"Ay mali pala! ang ibig kong sabihin lumamon sila kagabi." pagbawi niya.

"Kumain ka ulit?" Gulat na tanong ni Shazi kay Matreus na chill lang na nakaupo sa sofa.

"Yeah." Maikli niyang sagot.

"Eh di'ba kasabay ka namin kumain?" pang-uusisa pa ni Jester.

"Yeah." Maikli nitong sagot pero nakakunot na ang noo.

"Pero marami ka naman kinain nung kasabay ka namin. nagutom ka ulit?" tanong naman ni James.

"Yeah? masama ba kumain ulit?"

Oo nga naman. ako nga kahit kakatapos lang kumain pero nagugutom ulit. In short walang kabusugan.

"Tigilan niyo na nga iyan,  naiilang na si Zythe." saway sa kanila ni Andrea.

Thanks to this angel who did saved me.

Umupo ako sa tabi ni Shazi. kung makatingin ito sa akin parang iniisip niya parin yung sinabi ni Troy. parang hindi siya naniniwala na pagkain talaga ang kinain namin.

Well, hindi pala namin dahil ako lang naman ang kumai. sinamahan lang ako ni Matreus dahil natatakot ako.

"Huwag mo nga akong tignan ng ganiyan. pag hindi mo pa tinigilan iyan dudukutin ko yang mata mo." hindi naman siya nagpatinag sa banta ko.

"Brute." rinig kong bulong ni Framine.

Akala ko mabait na ang isang ito sa akin. akala ko lang pala.

Dumukot ako sa Nova na kinakain ni Kio. natigilan ito sa pagkain dahil sa ginawa ko. nginitian ko lang siya habang dumudukot sa hawak niyang Nova.

"Hindi ka ba marunong mang hingi?"

"Ganun na rin iyon. alam ko naman bibigyan mo ako, inadvance ko lang hindi ko lang hinintay sagot mo." sabi ko habang nagtataas-baba pa ang kilay ko.

Habang kinakain ko ang nova na hiningi ko. nakamasid lang ako kay White at Troy. magkalayo ang pwesto ng dalawa at hindi mo rin mapaghahalataan na may ginawa kagabi.

Busy si White makipag kwentuhan kay Safier. habang si Troy naman abala sa pangungulit kay Alter.

Naramdaman ko ang dalawang pares ng mata ang nakamasid sa akin. hinanap ko iyon at natigil ang tingin kay Matreus na nakatingin sa akin.

ZOMBIE OUTBREAK: SAVE OR NOTWhere stories live. Discover now