CHAPTER 18

280 21 0
                                    

WE'RE SAFE


NGAYON ang araw nang pag-alis namin sa apartment para pumunta ng batanggas. Malayo ang Batanggas sa Taguig mapapagod kami sa haba ng byahe.

Abala ang lahat sa pag-iimpake ng damit kahit hindi naman nila mga gamit iyon. Ang iba naman ay abala sa pagbalot ng pagkain.

"Buong byahe isipin niyo nalang nasa road trip tayo." Sinabi ko iyon para palakasin ang loob  nila.

"Road trip papuntang langit itong gagawin natin." pagbibiro ni Jester.

"Mauna ka na, mukhang excited ka eh." sabi ko sa kaniya.

Tumigil siya sa pagtatape ng box at malawak na ngumiti sa akin. Akala mo naman nakakadala yung ngiti niya. Ang sarap niya lang naman sakalin.

"Huwag!" sigaw ni Troy sa akin kaya nagulat ako. "Hindi pa siya sure kung sa langit ba talaga siya mapupunta."

Magsama talaga silang tatlo ni James. pag ito siguro naging mga anak ko? mamamatay ako ng maaga.

Gugustuhin ko nalang mamatay siguro kaysa alagaan sila.

Pumasok ako sa kwarto kung nasaan ang mga babae. napansin ko agad si Framine na nakaupo at nakaharap sa vanity mirror habang nagma-make up.

"Akala ko nag tigil ka na sa pagiging ganiyan."

Nagkatinginan kami sa reflection ng salamin. Tumaas ang isang kilay niya at nakahinto ang isang kamay sa ere na ilalapat sana ang foundation sa kaniyang mukha.

"Pagiging what?"

"Paganda lang ang ambag."

Nagsalubong ang kilay nito. "As if you care. mind your own business, okay?"

Galit na naman ba siya dahil mas pinili ng lahat ang umalis at magtungo ng batanggas? magulo talaga si Framine madalas kaya ang hirap niya intindihin.

"Galit ka ba sa akin?"

"Bakit mo naman nai-tanong?" sambit niya habang patuloy parin ang paglalagay ng foundation.

"Magaling lang siguro talaga ako makaramdam." kibit balikat na sabi ko.

Kahit hindi niya sabihin nararamdaman ko na may galit siya sa akin. hindi ko alam kung anong pinaghuhugutan niya ng galit na iyon.

"Assuming ka lang." Umirap pa siya.

"Kaya siguro nakipag break sa'yo si Matreus kasi ang pangit ng ugali mo." pag-singit ni Shazi habang nag-iimpake ng gamit.

Mula sa reflection ng salamin. nakita ko ang pagdaan ng galit sa mga mata ni Framine.

Napakuyom ang kamay nito. halos mapisa niya na ang face powder na hawak niya.

May feelings parin siguro siya para kay Matreus.

Nakarinig ako ng putok ng baril mula sa labas ng apartment.

"Bilisan niya na diyan para makaalis na tayo." Hindi ko na sila hinintay na magsalita. nagmamadali akong lumabas ng kwarto.

Naabutan ko si James na nagtatape ng mga box na ang mga laman ay pagkain.

"Sino yung nagpaputok?" kinakabahan na tanong ko sa kaniya.

"Ahh hindi ko alam. lumabas sila Kio, Alter at Matreus inilalagay na yung ibang box sa bus."

Lumabas ako ng apartment. hinanap ng mga mata ko sila Matreus pero hindi ko makita. nakakita ako ng dalawang zombie na nakahandusay sa semento. tumakbo ako patungo sa bus, nakita ko naman sila sa loob.

ZOMBIE OUTBREAK: SAVE OR NOTWhere stories live. Discover now