CHAPTER 19

717 38 24
                                    

ROADTRIP




SA SOBRANG ligalig ng mga kasama ko akala mo nasa isang road trip kami at nagka-car pool. ang ingay nila habang kumakanta ng Serve by Zae.

Halo-halo na ang boses nila. may boses aso, may boses na parang inipit na daga, may ibon at syempre may matino na boses. sumasayaw si Troy sa gitna habang nagli-lip sync.

Feeling niya siguro gumagawa siya ng sarili niyang music video. at syempre hindi mawawala yung back up dancer.

Meron tayong tiktokerist na kasama, si White!

Sumasayaw siya sa tabi ni Troy na parang back up dancer. nilingon ko si Andrea na tumatawa habang nanonood sa kanila. ganito ba talaga ma-in love ang mga matitino? doon sila naiinlove sa mga abnormal.

"Lamo na lamon hmm hmm ugh. eat it up eat it up eat up like I saw kitty cat."

Napangiwi nalang ako sa kinakanta nila White.

Naka speaker ang tugtog. dahil nakakonekta ang cellphone ni White sa speaker. sinubukan ko nga na pigilan ang mga ito dahil bawal makarinig ng ingay ang mga zombie.

Ipinaglaban naman nila na hihinaan lang daw nila. gusto lang daw nila tanggalin yung kaba at takot sa puso nila.

Eh, ayon yung dahilan? Oh gow!

Tapos ngayon parang may sarili silang concert sa sobrang ingay nila.

"Nabibingi ka na ba?" Kinausap ko nalang ang aso na nakahiga sa hita ko. "Magtiis ka muna ha, mga kapwa hayop mo naman ang mga iyan." natawa ako nang tumahol ito.

Mukhang naiintindihan niya ang sinasabi ko. "Nagugutom ka na ba?" Tanong ko pa ulit habang hinahaplos ang malambot at makapal niyang balahibo.

Tumahol ulit siya.

Napalingon ako sa taong umupo sa tabi ko. may dala itong plato na may laman na kanin at de lata na ulam.

"Kumakain ka pala ng sardinas?" natatawang tanong ko kay Matreus.

"This is all we have, I have no choice." Nakatingin lang siya sa plato niya parang nagdadalawang isip kung kakain ba o hindi.

"Masarap naman iyan." nakangiting pagtulak ko sa kaniya para kumain siya. hindi naman ako nagsisinungaling na masarap ang sardinas.

"I don't like the smell." nakunot pa ang noo na sabi niya.

Ibinalik ko ang tingin sa mga kasama namin na nagsasayawan. "Kaya sabi ko sa sarili ko hindi ako magbo-boyfriend ng mayaman na lalaki kasi maarte-"

Paglingon ko dito kumain na ito natigilan tuloy ako sa sasabihin ko. sunod-sunod ang subo niya ng kanin parang akala mo ginutuman ng isang linggo.

"What?" Umarko ang isang kilay niya.

"Hindi ka naman mukhang gutom."

Pero ang pinakanapansin ko talaga habang sumusubo siya nahihirapan siya lunukin yung kinakain niya.

"Kung ayaw mo kumain, huwag mo ng ipilit."

Umikot ang dalawa niyang mata. "I thought you didn't want an finicky boyfriend?"

Umawang ang labi ko sa narinig. bakit naging ganito bigla itong lalaki na ito?

Sinubukan kong putulin ang awkwardness sa paligid sa pamamagitan ng pag-agaw ng plato sa kaniya.

Peke akong natawa. "Kung ayaw mo kumain kay Zythus nalang." malikot ang mga mata ko para iwasan ang makipagtitigan sa kaniya.

Pinabayaan niya naman ang plato sa akin. imbes na sa aso ko iyon pakainin tulad ng sinabi ko, ako nalang ang kumain. baka kasi bawal sa sardinas itong si Zythus. hindi ko alam kung ano ang mga bawal sa isang golden retriever.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 01, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ZOMBIE OUTBREAK: SAVE OR NOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon