CHAPTER 6

338 27 0
                                    

SAVIOR



GUSTO ko ng batukan si Troy para patigilin ito. dahil rindi na rindi na buong pagkatao ko sa boses niya. niyayanig buong system ko dahil sa pagkairita. alam kong hindi ako nag-iisa dahil halata sa lahat ang pagkarindi kay Troy.

Patuloy lang ako sa pagsilip sa bintana para tignan kung malinis na ang hallway. marami pa akong nakikitang tumatakbo na zombies para bumaba.

Si Troy na abala sa paulit-ulit na pag-awit ng 'Butuing Walang Ningning' ni Sharon Cuneta.

"Balutin mo ako ng papel sa buong katawan
Hayaang matakpan ang kagat na 'di magtatagal." Feel na feel na pagkanta nito sa mic. may pa emosyon pa siyang nalalaman.

"Masaya ka naman sa ginagawa mong iyan?" hindi nito pinansin ang nakapamewang na si Jester.

"Isa itong malaking kaputanginahan." Natakip pa ang dalawang kamay ni Shazi sa magkabilang tenga.

"Mabuti pa kaya'y maging zombing walang ngipin
Kung kapalit nito'y paglabo na iyong paninginwiwiwiwiw."

Vibrato ba iyon? akala ko lalamunan ang nanginginig, bibig pala.

"Hayop na yan! parang langaw lang na napadaan sa tenga mo." Hindi makapaniwalang sabi ko.

Para lang kaming hangin sa paningin niya at hindi talaga pinapansin. Masyadong kinaka-career ang role niya sa plano.

"Lakasan mo pa boses mo, Troy." sabi ni Mico na nakatanaw din sa maliit na siwang ng bintana.

Sununod naman ito agad ni Troy.

"Fuck, my eardrums!" reklamo ni Framine.

Mabuti nalang at nakapag salita na ulit siya. simula kasi ng pagtatalo nila ni Shazi kanina naging tahimik siya.

"Nakaalis na lahat ng zombies sa hallway." umalis si Andrea sa pagkakasilip sa bintana.

Humarap ako sa tatlo. handa na ang mga ito na lumabas at sumabak sa gyera. hiniram ko narin ang kahoy na bitbit ni Jester dahil kakapusin ako sa bato, nasa dose nalang kasi ito.

Huminga ako ng malalim saka tumango sa kanila. "Tara na."

Binuksan ni Safier ang pinto para sa amin. ngumiti ito sa akin na agad ko rin namang sinuklian ng isang ngiti. kung lalaki lang ako sigurado na maiinlove ako sa babaeng to, ngiti pa lang makaputol sungay na eh. tipo ng babae na kapag siya naging girlfriend mo bigla kang babait.

"Ingay kayo." sabi niya pa.

Tumango kaming tatlo.

"And Troy, mag-ingay ka lang kahit huwag ka ng kumanta." pahabol pa ni Alterson.

Pagkalabas namin tinakbo na namin ang elevator. ako ang may hawak ng malaking eco bag dahil ako ang kukuha ng pagkain at si Harper ang katulong ko maghanap mamaya. Si Alter at James ang magsisilbing bantay kung may zombie.

Malakas naman loob ko na makakabalik kami ng fifth floor nang hindi kami nababawasan. mga fighter naman sila, lalaban para mabuhay.

"Mabuti nalang nakakain ako nung recess. Thanks to you, Ramirez. " Umirap si Harper kay Alter.

Kaya pala marami laging binibili si Alter na pagkain sa canteen. para pala iyon kay Harper akala ko malakas lang talaga siya kumain.

"Magjowa kayo?" biglang pagtatanong ni James habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"The fuck? No." parang hindi matanggap ni Harper ang itinanong sa kaniya.

"Mabuti naman. Akala ko ako nalang ang single na nabubuhay ngayon."

ZOMBIE OUTBREAK: SAVE OR NOTWhere stories live. Discover now