CHAPTER 5

341 25 5
                                    

SCARS


LAHAT kami ay tulala nang makapasok na kami sa elevator. hindi parin kami makapaniwala sa nangyari kay Angel. tuloy tuloy ang paglandas ng luha ko habang nakatingin sa nakasarang pinto ng elevator.

Si Andrea nakaupo sa isang sulok ng Elavator. nakatikip ang bibig nito para hindi makatakas ang hikbi nito.

Alam ko kung gaano kasakit mawalan ng isang malapit na kaibigan. at ngayon ipinaranas ko iyon kay Andrea dahil sa katangahan ko.

"N-nawala y-yung taong nagpapalakas ng loob ko kapag natatakot ako. n-nawala yung taong nagsisilbing lakas ko kapag mahina ako." Lalo siyang napaiyak nang malakas dahil doon.

"I-I'm sorry." halos hindi ko marinig ang sariling boses sa sobrang hina nun. hiyang-hiya ako.

Napapikit ako ng mariin dahil sa pagsuntok ni Jester sa pader ng Elevator.

"Zythe, hindi mo naman responsibilidad si Angel. may kasalanan tayong lahat kasi hindi tayo naging ma-ingat. kaya wag mo na sisihin ang sarili mo." umiling ako sa sinabi ni Shazi.

"Sabi ko kapag may nangyaring masama isa sa atin, kasalanan ko kasi ako ang nagplano nito."

"Walang may ginusto nang nangyari." sabi ni Harper bago umupo sa tabi ni Andrea. "Tahan na." pang-aalo niya dito habang hinihimas ang likuran.

"I can't take this anymore." wala sa sariling bulong ni Framine.

"Maghanda kayo. nasa fifth floor na tayo." malamig ang boses na sabi ni Kio.

Alam ko, galit silang lahat sakin ngayon. tatanggapin ko.

Tinulungan ni Harper makatayo si Andrea. Kasabay nun ang pagbukas ng elevator.

Naagaw na namin ngayon lahat ng atensyon ng mga zombies sa ikalimang palapag. Kung bibilangin nasa bente ang bilang nito.

Mabilis kami na lumabas sa elevator. Kumuha agad ako ng bato sa sling bag na nasa bewang ko. Bago pa makagat si Jester ng zombie mula sa likuran nito agad ko na itong natamaan.

"Framine! mauna na kayo!" sigaw ni Kio.

"Let's go." Hila niya kay Andrea.

"Shazi, sumunod ka na sa kanila." hindi ko na nilingon si Shazi dahil abala ako sa pag tirador ng mga zombies.

Mabilis na kumatok si Framine sa isang room at mabilis sila nitong pinagbuksan.

Naiwan kami ni Kio, Jester, at Harper.

"Hayop ka! hayop!" gigil na sabi ni Jester habang galit na hinahampas ang isang zombie.

Pasugod ang isang zombie sa gilid ni Harper. bago pa nito malapitan ang babae tumagos na ang bato sa noo nito mula sa tirador ko.

"Shit, maraming paakyat." sabi ni Harper habang pinupuruhan ang isang zombie.

May tatlo pang natira. sunod sunod na ang tira ko para mapatumba ang tatlo.

"TARA NA!" sigaw ni Kio. habang hawak ang doorknob ng pintuan kung saan pumasok ang iba.

Mabilis kaming tumakbo nang biglang lumitaw ang maraming zombies mula sa hagdan. bago pa kami maabutan ng mga ito nakapasok na kami sa loob.

Gumalabog ang pinto dahil sa mga zombies na nagwawala mula sa labas. nasa pinto lahat ng atensyon namin dito.

Lahat kami kaniya kaniyang naghahabol ng hininga. nabunutan kami ng tinik sa dibdib dahil nakaligtas kami. dahil sa panghihina ng tuhod ko sa pagtakbo napaupo na ako sa sahig. hingal na hingal ako.

ZOMBIE OUTBREAK: SAVE OR NOTHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin