CHAPTER 13

321 21 1
                                    


GAS STATION






MADILIM ang bawat iskinita na nadadaanan namin. tumatama sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin. mariin ang pagkakahawak ko sa baril dahil sa tanawin na nakita ko.

Mga nagtumbahan na poste, mga sasakyan na nakabangga sa pader at mga bangkay na sabog ang lamang loob habang nakahandusay sa semento.

Ang buwan na lang ang nagsisilbing liwanag para makita namin ang paligid.

"Nagtataasan balahibo ko sa batok." palingon-lingon si Troy sa kung saan-saan. malamang kabado ang isang ito, pinilit ba naman siya sumama kahit ayaw niya.

"Ayaw ko pa mamatay, gusto ko ng bumalik sa partment." dagdag pa niya.

"Mamatay ka talaga sa sobrang ingay mo." Galit na bulong ko sa kaniya.

Lumitaw ang isang zombie na kakalabas lang mula sa isang iskinita. naging alerto kami at itinutok ang mga baril sa dereksyon ng zombie na tumatakbong papalapit sa amin.

Bago ko pa makalabit ang gatilyo naunahan na ako ni Matreus.

Tumingin ito sa akin. "Maingay ang baril na meron ka, huwag mo muna gagamitin kung hindi naman importante." Litanya niya.

"Bakit kasi hindi silencer sa akin? palit tayo." akmang hahablutin ko ang baril niya pero mabilis niya iyon na nailayo.

"Hinayaan kitang sumama, kaya huwag nang matigas ang ulo." Tumiim pa ang mga labi nito.

Hindi ko makapa ang sasabihin masyado akong natulala sa seryoso nitong mukha. naputol lang ang tingin ko nang magsimula na ulit siyang maglakad.

Kung makapag-utos naman siya akala mo aso niya ako. may sarili naman akong desisyon kung ano gusto kong gawin?

"Okey lang iyan." Tinapik ako ni Troy habang may isang malawak na ngisi.

Sumunod nalang ulit kami sa kanila.

"Kanina pa tayo naglalakad wala parin tayo makitang Gas Station."  Naiinis narin na saad ni Kio.

"Hindi niyo ba alam ang pasikot-sikot dito?" Tanong ko.

Umiling si Troy. "Pag hinahatid ako ng driver namin hindi naman ako nakatingin sa daan, sa cellphone."

Napangiwi ako kay Troy. "Halata nga. hindi niyo naman kasi ito nadadaanan dahil malayo na ito sa School."

Napakamot nalang siya sa ulo mukhang napahiya sa sarili niya.  

Napatigil si Alter sa paglalakad kaya napatigil din kami at naging alerto sa paligid.

"Bakit ka tumigil?" Kinakabahan na tanong ko sa kaniya. baka kasi mamaya may nararamdaman pala siya sa paligid.

Takot ako zombie pero iba ang takot ko pagdating sa mga multo. mamatay talaga ako kapag nakakita ako ng multo.

"Parang natatandaan ko ito." sagot niya habang tumitingin sa paligid. "Dumadaan kami dito kapag pupunta kami sa bahay ng lola ko." dagdag niya pa.

"Are you sure?" paninigurado ni Matreus.

Tumango ito. "Hindi ko agad na-recognize kasi madilim at magulo ang paligid."

Napatigil kami sa pag-uusap nang may marinig kaming pagkabasag ng bintana. napalingon kami sa pinanggalingan ng ingay. nakita namin ang tatlong zombie na nahulog mula sa nabasag na bintana.

Pabali-bali pa ang katawan ng mga ito bago tuluyang makatayo. sumigaw ang mga ito at pasugod na sa amin.

Hindi ko inangat ang baril ko dahil hindi ako pwede mag-ingay. kung magpapapaputok ako mas lalo lang sila dadami.

ZOMBIE OUTBREAK: SAVE OR NOTWhere stories live. Discover now