CHAPTER 11

320 27 12
                                    

ALL OF US ARE BROKEN FAMILY


Habang nagluluto ako nanonood lang ako kay Shazi at White na sumasayaw ng Buttons by pussycat dolls. Niyaya kasi nito si Shazi na magtiktok. kanina todo tanggi pa ito na ayaw niya sumali.

Tapos ngayon hindi nagpapatalo kay White. gusto niya siya lamang, siya magaling kumembot, nauuna narin siya sa tugtog sa sobrang pagmamagaling.

Napailing nalang ako at inintindi nalang ang niluluto.

"Shazi, sumabay ka naman sa beat. pang benteng ulit na natin ito, mas okey pa kasama si Safier. kahit matigas katawan niyon nakakasunod naman sa beat." Rinig kong reklamo ni White.

Natawa nalang nalang ako habang hinahalo ang niluluto ko. hindi ako nakatingin sa gawi nila pero alam ko napairap si Shazi.

"Edi siya yayain mo, dzuh."

"Ulitin nalang natin, nakakahiya naman sa eleven million followers ko."

Lumingon ako sa kanila. "Nakakapag post ka pa sa tiktok?"

Umiling si White habang malawak ang ngiti. "Marami lang ako nakasave na tugtog tas nagda-draft lang ako. para may memories naman ako nung panahon ng zombie apocalypse."

Tumango nalang ako at ibinalik ang tingin sa luto. kumulo na ang tiyan ko dahil sa amoy ng adobo. gutom na gutom na ako. hindi naman sa pagmamayabang noh, paborito ko ang sarili ko na luto.

Well, magaling naman si Mama mag luto siguro nga sa kaniya ko namata ito. pero mas favorite ko parin ang luto ko keysa sa luto niya.

"Ang bango naman niyan." bigla nalang sumulpot si Safier sa tabi ko.

"Pagkatapos niyong tikman ang luto ko, luto ko na ang favorite niyo." mahinhin siyang natawa dahil sa pagmamayabang ko.

Same vibes talaga sila ni Andrea. mga mahinhin pero napabarkada sa mga siraulo.

"Tanong lang hindi naman sa pagiging chismosa. ilang taon na kayo ni Mico?" eme ko lang!

Curious kasi ako sa lovelife nila parang ang interesting. paano nagkagusto ang anak ng may ari ng school sa lalaki na wala namang mataas na posisyon sa school? at gusto ko rin talaga malaman kung paano naging love triangle dahil kay James.

Napapansin niya kaya na may ibang pag tingin sa kaniya ang bestfriend ng boyfriend niya?

"Hmm 1 year, madalas kasi kumanta si Mico sa school. lagi siyang nagpeperform baka doon niya ako napa-ibig tapos idagdag mo pa na gwapo siya. pangarap ko magka-boyfriend na singer kaya siguro naging kami." Iniimagine niya ang mukha ni Mico habang nagkikwento kasi ang lawak ng ngiti niya.

Ngiti ng isang babaeng kinikilig. never pa akong ngumiti ng ganiyan sa buong buhay ko kasi never ko pa naman naranasan ang kiligin para sa isang lalaki.

Wala ba naman akong makita na gwapo na matino sa Harrison University.

Ay nandiyan naman si Alter pero hindi ako nagkagusto sa kaniya kahit minsan. nakakapagtaka nga, ang gwapo naman niya, ang perfect, matalino pero hindi ako naattract sa kaniya.

Si Nuki nga crush si Alter.

"Zythe, pakiramdam ko nakita na kita dati."

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Safier. titig na titig ito sa mukha ko parang inaalala kung saan niya ako nakita.

"Ha? hindi pa naman ako nakakapasok sa school niyo noong wala pang zombie apocalypse. paano naman ako naging pamilyar?" baka naman may kamukha lang ako sa mga ka-batch mate niya.

Umiling ito. "Hindi ko alam kung sa loob ng school o sa labas."

"Baka sa labas. magkatabi lang naman school natin hindi malabong makita mo ako." sumang-ayon naman siya sa sinabi ko.

ZOMBIE OUTBREAK: SAVE OR NOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon