CHAPTER 2

454 30 1
                                    

CHAOS


"DAMMIT!"

Napasipa nalang si Alter sa upuan sa sobrang pagkainis. bagsak balikat na nakatingin kami sa cellphone na nakapatong sa desk ng upuan. paano ba naman, kakabukas pa lang namin at pupunta sa contacts wala itong load at wala rin signal. tapos maya-maya pa bigla nalang itong nalowbat. kaya wala narin pakinabang ang cellphone.

Nakita ko kung paano mapasuklay si Kio. parang nauubusan narin ito nang pasensya. paano kami makakaligtas sa sitwasyon na ganito? halos hindi namin alam kung saan tatakbo o may matatakbuhan pa ba kami para makaligtas.

"My gosh! ang dumi dumi na ng damit ko." reklamo ni Framine sa kanyang damit na puno ng bahid ng dugo. bahagya itong napalingon sa akin at dinuro ako. "You! let's exchange clothes."

Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi nito. bakit naman ako makikipag palit sa kanya ng damit? malay ko ba kung may putok siya, nahawaan niya pa ako.

"Hindi ko pinapahiram ang mga personal kong gamit." napangiwi pa ako nang tignan ko ang kubuuan niya.

"You're so maarte! wala naman akong amoy." galit na sabi pa nito.

"Oy, hindi ako ang nagsabi niya, huh? ikaw ang nagsabi nyan." tumingin tingin pa ako sa kisame.

Narinig ko pa ang english nitong mura. "Is there any mirror here? I need to clean my face." wika nito habang tumitingin sa paligid.

"Kio do you think there's still survivor in SA aside from us?" pagtatanong ni Jester sa kasama.

"I don't know? maybe?" kibit balikat nitong sagot.

Sa amin kaya, may mga nakaligtas pa bang estudyante sa school na ito maliban sa amin? baka kami nalang? pero kung sakali nga na meron pang buhay maliban sa amin. kailangan namin sila tulungan.

Humarap ako kay Alter na kinakalikot ang cellphone. "Alter, what if may mga survivor pa sa labas?" napatigil ito pero iba ang sumagot sa tanong ko.

"At ano naman, Pres? ano naman ngayon kung meron pang naka survive sa labas maliban sa atin?" sabi ni Harper.

"Kailangan natin silang tulungan." Hindi ko kayang isipin na mamamatay sila nang hindi namin sila natutulungan hanggat buhay pa sila.

Sarkastikong natawa si Harper. "Pres? sa sitwasyon ngayon hindi natin sila kailangan, hindi natin sila obligasyon, hindi mo sila kailangan isipin. ikaw ba, alam mo na kung paano ililigtas ang sarili mo?" napayuko ako dahil sa sinabi niyang iyon. "Paano mo poprotektahan ang iba kung mismong sarili mo hindi mo pa kayang protektahan."

"I agree." nahihiyang sabat ni Angel sa usapan.

"Simple lang. paano mo i-aapply sa iba ang hindi mo kayang i-apply sa sarili mo." dagdag pa ni Harper.

"Harper she's just concerned." awat sa kaniya ni Shazi. "We know Zythe right? mahal niya ang tumulong palagi." naramdaman ko pa ang paghagod ni Shazi sa likod ko.

"If she wants to help, then let her. mukhang pagod naman ng mabuhay ang kaibigan ninyo."

"Framine!" sabay sabay saway sa kaniya ng mga kasama niya.

Tinignan ko ito ng masama. "kaya ikaw kung gusto mo pa mabuhay..." lumapit ako sa kaniya dahilan para mapaatras ito at makita ko ang bahagyang paglunok nito, mukha siyang kinakabahan. nang nasa harapan niya na ako inilapat ko ang hintuturo ko sa kanyang noo. "Matuto kang tumahimik, dahil hindi naman kailangan ang walang kwenta mong opinyon." kasabay ng pagtulak ko sa noo niya.

ZOMBIE OUTBREAK: SAVE OR NOTWhere stories live. Discover now