CHAPTER 3

460 31 2
                                    


THE PLAN

"Tatawid tayo papuntang Saf'heir Academy."

Malaking ngiti ang ibinigay ko sa kanila. nakita ko naman kung paano magbago ang mga reaksyon nila. gulat ang mga ito dahil hindi nila inaakala ang naging suhestiyon ko.

"Nababaliw ka na ng—" mabilis na tinakpan ni Kio ang bibig ni Framine para maputol ang sasabihin nito.

"A-ahm. bakit mo naman naisip na pumunta sa school namin?" nahalata ko na naguguluhan si Angel.

Nagkibit balikat ako at tamad na umupo sa pinakamalapit na silya. "Ayon lang ang naisip ko'ng paraan para makaalis tayo dito."

"In that way?" Nakataas ang isang kilay ni Alter. "Ano talagang pinupunto mo?"

"Kung aalis tayo dito. paglabas natin ng school na ito, ano naman ang gagawin natin? tatakbo? ang SA may mga School Bus. gagamitin natin yun para makaalis tayo dito." Pagpaliwanag ko.

"It's easier said than done." sabi naman ni Harper.

Hinawakan ako ni Shazi sa balikat. "Are you sure about that? because Zythe, It's too risky for us and do you think we could enter Saf'heir Academy without one of us get bitten. "

Natulala ako kay Shazi. she's right, tama ang sinabi niya pero wala na kaming ibang choice. kahit ano namang plano ang gawin namin, delikado parin. isang kagat lang samin ng Zombie magiging katulad na kami. life and death situation na nga siguro ito dahil kahit ano ang piliin namin pwede kami  mabuhay at pwede rin kami mamatay.

Ako ang nag suhestiyon ng plano na iyon. resposibilidad ko rin kung may mangyaring masama sa mga kasama ko. walang ibang sisishin kundi ako kaya sigurado na ako. kung sino ba naman kasi ang baliw na nagpasimuno ng Zombie Apocalypse na ito. sana hindi masarap ulam niya araw-araw.

Tumango ako. "Sigurado ako." bumagsak ang mga balikat nito dahil sa sagot na narinig nila mula sa akin. "Walang ligtas na plano sa sitwasyon na ito. It's either we survive or we die. This is about life and death situation. huwag kayong mag-alala dahil ako ang nakaisip ng plano na ito. I will take the resposibility gagawin ko lahat ng kaya ko para maprotektahan kayo lahat." Marahan akong ngumiti sa kanila.

"I can protect myself." nakakuha ng masamang tingin si Harper mula kay Alterson dahil sa sinabi niya. "Why?"

"Kung hindi dahil sakin, sa tingin mo buhay ka pa ngayon?"

"Kaya ko sarili ko. gulat lang ako sa nangyari kanina pero ngayon mulat na." bato pa ni Harper sa kaniya.

"Of course, I can protect myself as well. hindi naman ako papayag na babae ang poprotekta sa akin." tumango si Jester at Kio sa sinabi ni Troy. mabuti naman kung ganun atleast medyo magaan kung kaunti lang babantayan ko sa kanila.

"Si Andrea na lang ang protektahan mo." napalingon ako kay Andrea dahil sa sinabi ni Angel.

Nagsisimula na naman manginig ang katawa nito sa takot. napabuntong hininga nalang ako dahil mukhang mahihirapan talaga akong kumbinsihin siya na ipagtanggol ang sarili niya. walang lugar ang takot ngayon, kailangan namin maging matapang. iyon ay kung gusto pa talaga namin mabuhay.

ZOMBIE OUTBREAK: SAVE OR NOTWhere stories live. Discover now