CHAPTER 17

276 23 0
                                    

OPINIONS




TODAY is our last day na mag stay sa apartment. Sinusulit na namin lahat ang huling araw namin dito. dahil bukas pag-alis pa lang namin dito nasa panganib na naman ang buhay namin.

Sinubukan namin maghanap ng signal gamit ang cellphone ni White pero walang nangyari. Hindi ko alam kung paano tatawag sa mga sundalo para humingi ng tulong.

Ayaw ko ipakita sa mga kasama ko na nauubusan na ako ng solusyon. ayoko na ma-disappoint ko sila dahil iniingatan ko ang tiwala nila sa akin.

Napahilamos nalang ang palad ko sa mukha.

"Hey." tumabi sa akin si Shazi. "Something is bothering you?"

Nagpakawala ako ng hininga sa ere. "Hindi ako sure kung tama desisyon ko na umalis tayo bukas. tingin mo ba mas maganda mag-stay nalang tayo dito?" Nag-alala ang mukha na hinarap ko siya.

"Zythe." hinaplos niya ang ilalim ng buhok ko. "Hindi lang naman ikaw ang nag-iisip dito. why don't you ask their opinions? kung ano gusto nila? para fair sa lahat at hindi ka na mahirapan."

Isa rin talaga sa dahilan kung bakit ko naging kaibigan ang isang ito kasi ang galing niya mag advice. hindi siya katulad ng iba na pag sinabi mo ang problema mo imbes na bigyan ka ng payo, i-dodown ka pa lalo.

Masasabi ko na magaling talaga akong pumili ng kaibigan. Patunay na si Shazi na dalawang taon ko ng kaibigan.

"Idaan nalang sa botohan. ganun?"

Ilang segundo siyang nakatingin sa buhok ko. "Pwede!" tumatango niyang sagot. "Ako, kahit kaibigan mo ako Zythe hindi ko ipapaako sayo ang kaligtasan ko. lahat naman tayo dito gustong mabuhay, lahat naman tayo may rason para mabuhay. kaya alam ko gagawin nila lahat para mabuhay. kung magbobotohan tayo alam ko ang pipiliin nila ay para sa pansariling kaligtasan nila, hindi para sa kaligtasan ng lahat." Mahabang litanya niya.

"Gusto mo ako maging selfish?"

"Ang Zythe na nakilala ko selfless, pero sa sitwasyon ngayon gusto ko maging selfish ka. kahit ngayon lang, pwede ba iyon?" namuo ang luha sa mga mata niya.

Hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong sa tuhod ko. marahan ko siyang nginitian dahil masaya ako na nandiyan siya sa tabi ko.

Nandiyan siya para paliwanagan ang naguguluhan kong pag-iisip.

"Thank you."

Sumimangot siya. "Hindi mo sinagot ang tanong ko."

Natawa ako. "I'll try."

"Hindi iyan ang sagot na gusto kong marinig."

"Anong gusto mo sabihin ko?"

"Oo. magiging selfish ka ngayon."

"Akala ko ba kilala mo ako? edi alam mo na yung sagot."

Sinamaan niya ako ng tingin. "Pagnapahamak ka, kamumuhian kita buong buhay ko."

Alam ko na hindi niya iyon kaya. "You don't mean that."

"We'll see." seryoso ang mukha nito. "Kung may matatawag pa akong pamilya ngayon, ikaw nalang iyon. ikaw nalang ang meron ako."

Nauntog yata ang ulo ko sa sinabi niya dahil bigla akong natauhan. kahit ako wala na akong pamilya dahil hindi ako sigurado kung buhay pa ba ang mga magulang ko.

Siya nalang din ang mero ako.

"I can't promise, but I'll try to be selfless this time."

Gumuhit ang isang malaking ngiti sa labi niya. gumaan ang pakiramdam ko nang makita iyon.

ZOMBIE OUTBREAK: SAVE OR NOTWhere stories live. Discover now