CHAPTER 10

327 26 1
                                    


GUNS


"Bwesit ka!" Umiiyak na sigaw ni Framine habang hinahampas ang dibdib ni Kio.

Pinipigilan niya ang pagwawala ng babae dahil nasasaktan na siya. pero si Framine ayaw talaga paawat at patuloy ang pananakit.

Alam ko na nag-alala lang siya kaya siya nagkakaganyan.

Buong akala talaga namin kanina may masama nang nangyari kay Kio. meron naman talaga muntikan nga lang. kinagat ng zombie ang ibabang hita ni Kio. mabuti nalang nakatulong yung mga papel na nakatape sa ibabang hita niya bilang proteksyon.

Ginawa pa na namin yun noong bago kami tumawid ng SA. lahat kami may ganoon sa braso at ibabang hita.

Pero may bakat ng ngipin ang ibabang hita niya pero wala namang sugat kahit papaano. bakat lang talaga ng ngipin. nahila naman siya agad ni Matreus at Kio mula sa zombie kaya nakatakas sila.

At ngayon nandito kami lahat sa apartment. nakamasid lang sa nagwawalang si Framine.

"Bakit kailangan mo sumigaw ng ganoon, ha!?" nakayuko lang si Kio habang sinisigaw ni Framine.

"Kalmahan mo, Framine." pang-aawat ni Troy dito. "Baka marinig tayo ng mga zombie sa labas."

Nag walk out si Framine at pumasok sa isang kwarto, pabagsak pa nitong isinara ang pinto. mukhang sobrang importante ni Kio sa buhay niya para magwala ito ng ganoon.

"Sundan mo na Kio." marahan ko pa na tinulak ang braso niya.

Tumango ito bago tumayo saka tinahak ang kwarto na pinasukan ni Framine.

Pabagsak na naupo ako sa pwesto na inalisan ni Kio. parang ang sarap matulog sa sofa na ito napakalambot.

"May food akong nakita dito sa ref guys!" tuwang tuwa ang boses ni White.

Mabilis akong tumayo at tumakbo papunta sa kusina. sumunod rin ang ilan papunta sa kusina.

"Ang dami! punong-puno pa yung refrigerator." tuwang tuwa na sabi ko.

Pinagpasa-pasahan namin yung mga pagkain na nakita namin sa ref. mukhang kakapamili lang nung nakatira dito sa apartment bago nagka apocalypse.

Pero hindi namin kinain pinagpasa-pasahan lang para tignan tapos binalik ulit sa ref. nakakita pa kami ng mga fresh meat at mga isda sa freezer. may mga frozen food pa tulad ng mga hotdog, bacon, and so on.

"Akalain mo nga naman sa nagdaang araw na nahirapan tayo maka-survive may swerte moments parin talaga." malawak ang ngiti na sabi ni Jester.

"Omg! maraming fruits dito sa dining area." rinig namin na sabi ni Shazi mula sa dining area.

Nagmadali kami pumunta sa dining area. tinulak ko pa si Troy at Jester dahil ginigitgit nila ako halatang mga nangtitrip.

"May nakita rin ako mga snacks sa drawer." sabi ni Harper.

"Pinagpala talaga ang araw na ito para sa atin." umiiling na sabi ko habang nakatingin sa iba na pinagpasa-pasahan yung prutas.

Para bang ngayon nalang ulit sila nakakita ng prutas at kumikislap pa ang mata ng mga ito habang nakatingin sa pagkain na hawak. Si James parang makikipag patayan pa yata kay Jester para lang mahawakan ang mansanas.

"Edi, hindi na natin kailangan lumabas para maghanap ng pagkain?" masayang tanong ni Andrea

Umiling ako. "Lalabas parin tayo gawa ng gas ng bus at hindi forever yung pagkain dito mauubos rin iyon. kailangan natin ng stocks na pagkain." yeah, you're right self.

ZOMBIE OUTBREAK: SAVE OR NOTWhere stories live. Discover now