CHAPTER 9

344 24 1
                                    

APARTMENT



Nakasandal ang ulo ko sa bintana habang nakatanaw sa labas. Hindi maganda ang nakikita ko mula sa labas. maraming poste ng kuryente ang nakatumba, maraming kotse ang nakabangga sa kung saan saan at umuusok pa ang mga ito.

Walang tao at ang tahimik ng paligid. sa itsura ng nadadaanan namin para itong nakaranas ng isang matinding bagyo sa sobrang gulo. kita ko ang mga basag na bintana mula sa mga bahay. nakakita rin kami ng mga dugo sa nadadaanan namin.

Napapaisip talaga ako kung sino ang nagpasimula ng apocalypse na ito. may balak ba siyang patayin lahat ng tao? may balak ba siyang maghari sa mundo?

As of now masaya ako na wala pa kaming nakakasalubong na zombie sa daan.

"Darating din ang gabing walang pipigil sa'tin
Kung hindi ngayon aasa bang maibabalik ang kahapon." Rinig kong pagkanta ni Mico pero mahina lang.

Hinawi ko ang kurtina para maisara na. napatingin ako sa katabi ko na si Shazi na mahimbing na natutulog. gusto ko rin sana matulog pero hindi ko magawa kahit pagod ang katawan ko at naghahanap ng pahinga.

"Kung darating din ang gabing walang pipigil sa'tin
Kung hindi ngayon aasa bang maibabalik ang kahapon."

Pumikit ako at pinakinggan ang malamig na boses ni Mico. totoo pala ang sinabi nila tungkol kay Mico, na may talent pala talaga ito sa pagkanta.

Siguro doon na fall si Safier. kung hindi ganiyan kagaling kumanta magiging boyfriend ko in the future, no thanks.

"At sa bawat minuto
Ako'y 'di natuto
Ipilit mang iba ako'y maghihintay sayo
Ikaw ang aking kapiling sa huling sandali
Kasalanan ba kung puso natin ang magwawagi."

Napamulat ako sa pagkairita dahil nahaluan ng kasamaan ang mapayapang pagkanta ni Mico. paano ay nag second voice bigla si Troy. lumuhod ako sa inuupuan ko at tumingin sa likuran.

Nakita ko si Troy na may pagpikit pikit pa habang nag sesecond voice. samantalang yung boses naman akala mo naipit na daga.

"Troy, pangit ng boses mo realtalk." seryoso pa ang mukha ko nang sabihin ko iyon.

Namula ang mukha ni Andrea na nasa tabi nito.

"Ang harsh mo, ha? gandang ganda nga si Anji sa boses ko. Anji, inaaway ako ni Zythe." nakanguso pang pagsusumbong nito sa katabi. Lalo tuloy namula ang mukha ni Andrea dahil inihilig ni Troy ang ulo sa kaniyang balikat.

"Wala parin ba tayong mahanap? halos magdadalawang oras na tayong nag iikot." syempre wala ng ibang ginawa si Framine kundi ang magreklamo.

Basta nagrereklamo, si Framine na iyon.

"Ikaw kaya maghanap?" bato sa kaniya ni Harper.

Sa Itsura namin para lang kaming nasa isang mahabang field trip. napunta ang tingin ko sa dulo ng Bus nakita ko si White na tinuturuan si Safier sumayaw ng bootyful. mukhang naplitan lang si Safier dahil niyaya siya ni White.

"Saf, lambutan mo pa ng konti." turo sa kaniya ni White.

Bumalik nalang ako sa pagkakaupo.

Let me see the booty baby show me baby
And let's start around
Let me have good look at baby
Shake your booty now

Naramdaman kong gumalaw si Shazi sa tabi ko. nagising na ito ng tuluyan at naniningkit pa ang mata. mukhang naalipungatan at nakulangan pa sa tulog.

Nag-unat ito. "Putangina, sino ba yang kumakanta na iyan? akala ko panaginip ko lang yung naririnig ko binangungot tuloy ako." sabi nito habang humihikab.

ZOMBIE OUTBREAK: SAVE OR NOTWhere stories live. Discover now