CHAPTER 7

340 26 4
                                    

SLEEP OVER


Pinagmamasdan ko lang sila habang nag-aagawan sila sa pagkain. talaga naman kitang-kita mo sa mata ni Troy ang kasiyahan. syempre as always hindi na yata mababago ni Framine ang pagiging maarte niya. dahil parang nandidiri ito sa pizza na hawak niya.

No choice siya eh!

Napadako ang tingin ko sa lalaking nagligtas sa akin. nakikisalo rin ito sa iba na kumakain. mabilis pa sa speed na nag-iwas ako ng tingin sa lalaki. gusto ko sanang mag thank you na parang ayaw ko rin at the same time.

"Hoy, kayo! anong ginawa niyo sa kaibigan ko at para matulala siya ng ganyan pag balik niyo?" Napadaing si Shazi nang hampasin ko ang braso niya.

"Ahm ano..." napatingin pa si James kay Matreus nang palihim.

Pinanlakihan ko siya ng mata para magtigil siya. mabuti at hindi niya na dinugsungan ang sasabihin at payapa nalang kumain sa tabi.

Humarap sa akin ang nag-aalalang itsura ni Shazi. "Okey ka lang? Bakit ang tahimik mo? nakagat ka ba ng zombie sa labas?"

Narinig ko pa na nasamid si James. inabutan naman siya agad ni Mico ng tubig. mabuti at nahaharangan ako ni Shazi, atleast hindi nila makikita kung gaano kapula ang mukha ko.

"Wala to, kumain ka na nga lang."

Nilahad niya sa harapan ko ang dalawang piraso ng tasty bread. "Nung recess ka pa hindi kumain baka manghina ka niyan."

Kinuha ko na dahil kailangan ng katawan ko. "At ikaw?"

"Kumain na ako isang piraso pero okey lang atleast ako kumain nung recess." umupo siya sa tabi ko. nakamasid lang din siya sa mga kumain.

"Anong iniisip mo?" tanong ko sa kaniya bago ako kumagat ng tinapay.

"Iniisip ko sa tingin mo pag labas natin dito, safe na tayo? pag labas natin dito saan naman tayo pupunta?"

"Uuwi na tayo pag labas natin."

Tumingin ito sa akin. "Sana nga ganoon lang kadali. kaso ang tanong may uuwian pa ba tayo?"

Siniko ko siya. "Ang nega mo, Shazi. syempre meron iyan!" hindi ko alam kung kaninong loob ang pinapalakas ko. siya ba o sarili ko?

Sa katunayan natatakot lang din talaga ako na wala na akong mauuwian.

"Paano nga kung wala?"

"Overthink malala ka na, Shazi. pag hindi ka pa tumigil sasapakin na kita." pagbibiro ko. medyo totoo yung sinabi kong sasapakin ko na siya dahil kinakabahan ako sa mga pinag-sasabi niya.

"Alam ko kung gaano mo kamahal ang parents mo." natigilan ako sa sinabi niya. "Pero gusto ko lang sabihin na kung sakali na wala na sila, ayaw ko lang na mabaliw ka."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Pinagsasabi mo?" ang advance niya naman mag-isip. desisyon siya?

"Sa sitwasyon natin ngayon. hanggat hindi pa tayo nakakalabas. tinatanggap ko na ang kalahating pursyento na wala na akong mauuwian kasi ayaw ko umasa." naramdaman ko ang lungkot sa boses nito.

Hindi na ako nagsalita dahil ayaw ko ng pahabain ang usapan. hindi ko rin naman kasi bet kung ano ang pinag-uusapan namin. pinag patuloy ko nalang ang pagkain ng tinapay.

Umalis ako tabi ni Shazi at lumapit kila Troy. gusto ko ng pag-usapan ang plano namin na pumunta ng parking lot pag katapos nilang kumain.

"Bukas." isang salita pa lang ang sinasabi ko naagaw ko na ang atensyon nilang lahat. "Bukas tayo aalis, matulog nalang kayo pag katapos niyo kumain."

ZOMBIE OUTBREAK: SAVE OR NOTOnde histórias criam vida. Descubra agora