CHAPTER 16

288 24 1
                                    

TRUTH OR DARE



"What’s the scariest thing you’ve ever done?"

Natigilan si Framine habang nakatingin sa akin. may kung ano ang dumaan sa mata nito bago napalunok.

Madali lang naman ang tanong ko pero bakit ganito ang reaksyon niya?

Huminga siya ng malalim bago sumagot. "I fell for someone while I'm still In a relationship."

That's it!

Sunod na si Safier.

Ang ginagawa kasi naman ay magkakasunod-sunod.

"When was the last time you cried and why?"

Natigilan ito bago mabilis na nilagok ang alak na nakasalin sa takip.

Ngayon lang siya uminom pagkatapos namin makailang ikot. hindi ko naman siya mapipilit na sumagot dahil baka sensitive ang dahilan ng pag-iyak niya.

"Bakit parang nahihirapan kayo sumagot sa tanong ni Zythe, siya ako naman magtatanong!" Tinuro niya si Andrea.

Never pa itong nakita na tumagay dahil palagi niyang nasasagot ang bawat tanong na ibinabato sa kaniya.

Si Shazi, Andrea, Harper at ako nalang ang hindi pa pinipili ang dare.

"If you could have three wishes, what would you wish for?"

Hindi ako nakakita ng konting kaba sa mukha ni Andrea bagkus ngumiti pa ito.

"I wish I'm brave enough to confess my feelings, second I want him to love me more than as a friend, and lastly I want him to be my husband."

Napangiwi ako dahil kahit hindi niya pangalanan kilala ko na kung sino.

Siya lang naman yung minura ako mula sa labas ng pinto.

"You looked like a love sick puppy." hinampas ni Safier ang balikat ni Andrea habang tumatawa.

Lasing na ba ito? nawala yung pagiging mahinhin eh.

Tumingin ako kay White na nakapikit na. "White, what’s the one thing you’d never say to a crush?" Tanong ko.

Napahagikgik siya. "Crush kita."

Yun na iyon?

Lumingon ako kay Harper. "What is your current crush’s personality like?"

Hindi ko siya tinanong na deretsuhan na kung crush niya si Alter kasi alam ko naman na iinom siya. doon nalang ako sa question na malalaman ko na si Alter ang crush niya.

"Tahimik."

Yeah, tahimik na tao si Alter.

"Punyeta! Safier ano ba? kanina lang anghel ka ngayon naging aso ka na?" Bahagyang itinulak ni Shazi ang ulo ni Safier. pilit kasi siya nitong inaabot para kagatin siya sa braso.

"Infected na iyan, nangangagat na eh." Naiiling na sabi ko.

"It's your turn." lumingon ako kay Framine. "Ako ang magtatanong."

Tumango ako. "Okay."

"Have you ever cheated on someone."

Ngumiti ako sa kaniya dahil ang dali ng tanong niya. "Nope. NBSB yata ako!" pagmamalaki ko.

"Liar."

Natanggal ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi niya. mariin pa itong nakipagtitigan sa akin. para siyang galit na hindi ko alam kung bakit.

Hindi siya naniniwala na NBSB ako?

"Hoy Framine! no boyfriend since birth talaga iyang bessywap ko!" pag singit ni Shazi.

ZOMBIE OUTBREAK: SAVE OR NOTWhere stories live. Discover now