Kabanata 1

1.1K 54 125
                                    

•'¯'•

( KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ 1 )

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

( KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ 1 )

˜"*° ALOK.



•'¯'•

Si Renee del Rosario ay isang sikat na artista, marami siyang pinagbibidahan katulad ng mga teleserye. Ang pagkakaalam ni Renee ay isa siyang ampon kaya't habang nabubuhay siya ay hinahanap niya pa rin ang kaniyang totoong mga magulang.

Nang lumipas ang petsang Marso siyam dalawáng libó’t labíng-pitó ay may lumapit sa kaniya na isang direktor na nangangalang Jerrold Tarog.

Nasa Abs-Cbn Studios si Renee, naghahanda siya para sa isang Interview. Habang nag aayos siya ay may kumatok sa kaniyang dressing room. Lumapit siya sa may pinto at binuksan ito.

"Oh! Good Afternoon po, Direk. Pasok po." Kilala ni Renee si Jerrold Tarog kasi siya ay isang sikat na direktor sa Pilipinas.

"Magandang Araw din. Can I please talk to you?" Tanong ni Jerrold.

"Sige po. Ano po ba ang pag uusapan natin?" Umupo sila sa may coffee table.

"May panibago akong pelikula at dahil sa galing mo sa pag arte naisipan ka naming kunin. Kung papayag ka nga lang." Nagulat si Renee sa sinabi ng direktor, dahil sa kaniyang pagkasabik ay agad niya itong tinanggap.

"Tungkol saan po ba yung movie?"

"Tungkol sa isang bayani ng Pilipinas na si Gregorio del Pilar. Ipapakita doon sa pelikula ang kaniyang buhay at kasama na rin ang kaniyang huling iniibig." Sagot naman ni Jerrold.

"Ayus po, sequel pala ng Heneral Luna."

"Bago ko pala makalimutan si Paulo Avelino pala ang gaganap bilang Heneral del Pilar. Alam ko na close kayo nu'n." Habol ni Jerrold.

"Oo nga po, sinabi niya po sa akin nung nag shooting po kayo dati sa Pelikula na kinuha niyo daw po siya. Ano nga pala yung role ko, Direk?" Tanong ni Renee habang umiinom ng tubig.

"Remedios Nable Jose. Ang huling inibig ni Gregorio nung namatay siya."

"I remember that name! hindi ko alam kung familiar ba o narinig ko lang sa iba."

"Pwedeng familiar..." Mahinang wika nito.

"Ano po?"

Tumayo na siya at nagpaalam na. "Ah, wala. Tutal natanggap mo na ang aking alok, aalis na ako. Mag message na lang ako sa Manager mo. Salamat!"

Lumipas nang ilang oras ay tapos na ang Interview. Naglalakad siya sa may Hallway para makauwi nang may tumunog sa kaniyang Cellphone.

Si Paulo.

Paupau

7:19 pm

Nae, tapos na ba yung Interview mo?

Yup!

Actually, pauwi pa lang ako.

May kailangan ka ba?

Y

ayain sana kita mag dinner kung okay lang sayo.

Okay lang naman :)

Sige, sunduin kita

Andiyan ka pa rin ba sa Studio?

Yep.

Mga 5 minutes andiyan na ako :)

Okay, drive safely Pau!

Maya-maya ay pumarada na ang kotse sa harap ng Studio. Bumaba na si Paulo sa sasakyan para pagbuksan ng pinto si Renee.

"Salamat." Ngumiti naman si Paulo.

Habang nagmamaneho si Paulo ay may naalala siya na balita para sabihin kay Renee.

"Actually, kanina ko lang 'to nalaman. May bagong movie akong gaganapin."

"So do I!"

"Oh, that's great!"

"Anong movie ba?" Pagpapatuloy ni Paulo.

"Sa pelikula na gaganapin mo." Tinignan naman niya ang magiging reaksyon ng katabi niya.

"Really? Pangalawang beses na tayo nagkasama sa Pelikula."

"Kaya nga eh."

Nakarating na sila sa isang Restaurant na lagi nilang kinakainan. Madalas silang magkasama, nararamdaman nga nila na parang magkasama na sila dati pa, pero kakakilala lang nila noong nakalipas lamang na anim na buwan.

Pumipili na sila nang makakain at nang nakapili na sila ay ipinagbigay alam nila ang kanilang gustong kainin.

Habang naghihintay sila, pinutol na ni Paulo ang katahimikan.

"Napapaisip lang ako about doon sa movie. Pano kaya nila ginagawa yung script?"

"Kahit nga ako, napapaisip din. Bawal rin naman nilang baguhin ang kuwento sa mga na yumao na."

"Correct. Mas mapapaniwalaan nila ang nasa movie." Pagsang-ayon ni Paulo.

"Wag na natin isipin 'yun at baka lumipad pa yung utak natin sa mga bagay na iyan." Sabi ni Renee at nagtawanan sila.

Tapos na silang kumain at may nakakakilala na sa kanila, nagpapicture naman ang mga ito. May sabi-sabi na sila na daw kasi lagi silang nakikitang magkasama.

Dumami din ang naging fandom nila sa isa't isa. Ang kanilang unang teleserye ay tungkol sa isang romantikong komedya na nakasentro sa dalawang magkaibang tao na si Leah, isang simpleng babae na may pangarap na makapunta sa America. Si Clark, isang batang lalaki na nabubuhay sa kaniyang buhay Amerikano na pinilit na magpakasal upang legal na manatili at magpatuloy sa pagtatrabaho sa Estados Unidos.

Ang role doon ni Renee ay kaibigan siya ni Leah. May nahanap silang trabaho at nakilala nila ang kanilang boss. Naging kasintahan niya si Simon na ang gumanap ay si Paulo. Doon nagsimula ang mga taong humanga sa kanilang dalawa.

Makalipas nang ilang linggo ay nagkita-kita na ang mga tauhan sa kwento ng pelikula. Pinag-aralan nila ang kanilang gaganapin at kinakabisaduhin na rin nila ang script.

Ang hindi nila alam ay maraming inilagay si Rody Vera ang nagsulat ng mga script na bakas o clue.

Isa siya sa nakakaalam sa mga sikretong paggawa ng pelikulang ito o buhay ng mga artista na gaganap.

━━━━━━━━━━━━━━━

≋ ━━━━━━━━━━━━━━━ ≋

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

━━━━━━━━━━━━━━━

Pelikula - G. del PilarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon