Kabanata 12

562 42 230
                                    

•''•

( KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ 12 )

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

( KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ 12 )

˜"*° UTAK.

•'¯'•



Tumigil na ang kalesa sa isang lugar na napakagandang tanawin at kitang-kita ang araw.

"Andito na tayo." Bumaba na siya ng kalesa at inilabas niya nanaman ang kaniyang kamay. Kinuha naman ito ni Remedios habang bumababa.

"Manong, balikan mo nalang kami ng mga bandang alas dyes." Tumango naman ito. Nang nakaalis na ang kutsero agad naman tumakbo si Gregorio sa bandang may bulaklak, kumuha siya ng isa at lumuhod kay Remedios.

"Gusto mo?" Nakangisi niyang tanong.

"Kailangan mo pa talaga mag tanong?" Tawa ni Remedios at kinuha niya naman iyon. Tumayo na si Gregorio at nagpatuloy na silang naglakad patungo sa bangin na nakatutok sa araw.

Napansin lang ni Remedios ang pinagkaiba ng init sa dalawang panahon. Noong nakasoot siya ng baro't saya sa kasalukuyan ay sobrang init pero ngayon sa sinaunang panahon ay hindi medyo mainit kasi malinis ang paligid at walang kalat, walang gusali at sariwa din ang hangin.

Tumigil na sila sa paglalakad at umupo na sa sahig ng bangin. Nagdesisyon sila na kilalanin ang isa't isa.

"Sige. Ako muna ang mag-umpisa." Sambit ni Gregorio.

"Grabe. Buti pa dito inuuna pa ng mga lalaki ang sarili nila pag may gagawin pero doon sa kasalukuyan 'Girls first o babae muna' lalo yung na sa elementary pa lang ako. Tsk" Saad ni Remedios sa kaniyang isipan.

"Ang buo kong pangalan ay Gregorio H. del Pilar y Sempio. May mga palayaw silang tinatawag sa akin na Goyo, Goyong, Nom de guerre, at Aguila. May lima akong mga kapatid. Ung isa makikita mo siya sa muli nating pagkikita."

"Ayun lang naman, may tanong ka ba?" Pagpapatuloy ni Gregorio habang nakatingin sa kaniya.

"Ahh... Oo." Wika ni Remedios. Hindi niya sigurado kung itatanong niya ba kung anong nangyari sa pamamagitan nilang dalawa ng kaniyang kapatid na si Felicidad.

"Ano iyon?"

"Anong nangyari sa inyo ni Felicidad?"

"Ha? Wala naman?" Inosenteng sagot ni Gregorio.

"Anong wala? Diba naging kayo 'nun tapos naghiwalay kayo?"

"Saan mo naman narinig 'yan? Hindi naging kami ng iyong kapatid. Naging sila ng kuya ko na si Julian." Tawa niya.

"Mali lang pala narinig ko. Pasensya na..." Gulong-gulo ang isipan ni Remedios dahil hindi naman siya nagkakamali na naging sila ni Felicidad sa pelikula. Natatandaan niya pa nga yung eksena nilang dalawa sa manggahan.

Pelikula - G. del PilarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon