Kabanata 14

548 43 280
                                    

•''•

( KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ 14 )

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

( KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ 14 )

˜"*° DAGUPAN.

•'¯'•





Bumalik ka agad si Vicente sa bahay ng Potograpo. "Senyor, pumayag na ang mga kasama ko sa presyo. Pero, kailangan na nating umalis ngayon paparating na ang Heneral."

"Ngayon na mismo?"

"Pasensya na ho."

"Joven, kunin mo yung lameta sa likod. Magpaalam ka na rin kay Angel." Tumungo na siya sa likod para kunin ang lameta ngunit pagpasok niya ay wala doon si Angel.

Tumatakbo na si Angel palayo, nang makalayo siya ay nagpahinga na muna ito dahil sa sobrang hingal. Mayamaya ay may nakita siyang isang sundalo na naglalakad patungo sa kaniya at tinutukan siya ng baril.

"Mas mabilis ka pa sa bala ko, totoy? Sige. Takbo. Kilala mo ba ako?"

"kilala mo ba ako?" Ulit nitong tanong.

"Julian." Kabang sagot ni Angelito.

"Ayusin mo ang sagot."

"Koronel Julian del Pilar." Binitbit niya naman kaagad si Angel pabalik sa bahay ni Miguel.

"Kayo na lang ang hinihintay." Wika ni Vicente. Napansin niya na hinihila ni Julian ang binata patungo sa kaniya kaya hindi siya nagdalawang isip na may kinalaman ito tungkol sa paghahanap nila.

"Angel Bernal?" Pero hindi pa rin siya umimik kaya tinadyakan siya ni Julian sa paa at agad naman ito tumango.

"Halika na."

"Itali niyo na. Wag kang matigas. Makakatikim nanaman ng bibig mo ang kamao ko eh." Hila niya kay Angel. Itinali na kaagad ng mga sundalo ito para hindi mawala o makatakas.

Napansin ni Vicente ang tingin nila Joven at Miguel. "Huwag po kayong mag-alala. Wala pong mangyayari sa kaniya. May hinahanap lang kami. Utos ng Heneral."

"Koronel? Sino pong Heneral ang tinutukoy niyo?" Tanong ni Joven.

"Heneral Goyo."

Habang nangyayari iyon ay pinapunta ni Emilio si Remedios sa Dagupan para doon muna makapag pahinga at makaiwas muna sa gulo.

Bawat probinsya ay may bahay ang mga Aguinaldo. Bumaba na siya ng kalesa at bumungad sa kaniya ang mga tao na nakatingin dahil ngayon nalang ulit nila nasilayan ang babaeng ito.

Akala nga nila ay taga ibang bansa dahil mistisa siya. Maraming tao ang umikot sa kaniya para batiin kasi nakapunta na siya dito dati noong hindi pa siya pumunta ng ibang bansa para mag-aral.

"Ate, maligayang pagbabalik!" Ngiti ng bata na nangagalang Mirna.

"Grabe. Ang laki mo na." Tinaggap niya naman ang bulaklak.

Pelikula - G. del PilarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon