Kabanata 4

743 49 101
                                    

•'¯'•

( KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ 4 )

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

( KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ 4 )

˜"*° PREMIERE.

•'¯'•






Makalipas nang ilang buwan ay gaganapin na ang Premiere para sa Pelikulang Goyo: Ang Batang Heneral. Ang petsa ngayon ay Setyembre lima, dalawáng libó't labíng-waló

Nag aayos na silang lahat kasi maya-maya ay aalis na sila papuntang sinehan.

Sabay na sumakay ang dalawa na sina Renee at Paulo. Nakarating na sila sa Mall at bumungad agad sa kanila ang maraming tao, ngumingiti-ngiti sila sa camera at may mabilisang Interview din.

Marami silang tanong na sinagot nila at pumasok na sila sa sinehan kung saan doon na ipapakita ang pelikula.

Umupo na sila sa kanilang upuan na may pangalan. Magkatabi sila Renee at Paulo.

Ang hindi nila alam na nakangiti ang mga nag ayos ng plano. Mga ilang minuto ay mag-uumpisa na ang paglalakbay ng isa at makakabalik kung kailan siya ipinanganak.

Sumilaw nang napakaliwanag ang camera sa pwesto ni Renee kaya napapikit siya sa liwanag, pagmulat ng kaniyang mata ay napansin niya na wala siya sa sinehan.

Inilibot niya ang kaniyang paningin at ang nakita niya ay ang mga lumang gamit at malaki ang kwarto, nakahiga siya sa kama at nakasoot nang pang tulog.

Nagulat si Renee sa kaniyang nakita kaya agad siyang tumayo at naglibot sa kwarto.

'Prank ba 'to?' Sabi niya sa kaniyang sarili.

"Uy, labas na riyan! I know you guys are pranking me," Tawa ni Renee.

Pero, habang sinasabi niya iyon ay nakita niya ang kaniyang sarili sa salamin.

Napasigaw siya at hinawakan ang kaniyang mukha. Bumalik sa pagkabata si Renee. Pero, asan siya?

"GAGI! PA'NO AKO NAKAPUNTA DITO? HALUH!"

Tinignan niya ang nasa bintana at kitang-kita ang mga babae na nakasuot ng kakaibang kasuotan.

"No! Hindi 'to pwede!" Tarantang saad niya.

May narinig siyang nagbukas ng pinto kaya napakuha siya ng unan. Nakita ng kaniyang mga mata ang isang babae na halos trenta ang edad nito at may kasama pa siyang lalaki na binata.

"Anak, anong nagyari? Bigla ka na lang sumigaw diyan." Pag-aalala ng babae.

"Anak?" Patanong na sabi ni Renee habang binababa ang unan.

"Inay, nababaliw na iyan si Remedios. Sabi ko po sa iyo eh." Nagsalita ang kasama niyang lalaki. Siguro nanay niya yung babae sa tingin ni Renee.

Binutukan naman siya ng kaniyang Inay.

Pelikula - G. del PilarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon