Kabanata 8

590 46 156
                                    

•'¯'•

( KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ 8 )

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

( KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ 8 )

˜"*° TATLONG ARAW.

•'¯'•




Kinabukasan, nag-aalmusal na sila at nagkukuwentuhan. Maya-maya ay dumating na si Remedios papunta sa kanilang direksyon.

"Rem, kumain ka na oh. May ensaymada pa diyan."

"Sige po, kuya." Nagulat naman ang apat sa tawagan nila.

Naisipan ni Rusca na subukan niya rin na tawaging kuya ang kaniyang Heneral.

"Kuya, paabot nga po ng ensaymada."

"May sinabi ba ako na pwede mo akong tawagin niyan?"

"Wala." Napakamot na lang siya sa ulo.

"Heneral. Alam mo ba na may kutob akong may gusto 'tong si Rusca diyan kay Remedios." Sambit ni Jose.

"Kaya nga eh, lagi pang inaapi si Rem. Bagay naman sila."

"Ano yan? The more you hate, the more you love?"

"Ano?" Tanong ng apat.

Tumawa naman si Heneral Luna sa sinabi ni Remedios dahil naiintindihan niya ito.

Si Heneral Luna ay may dugong Espanyol dahil ang kanyang ina ay isang Spanish mestiza na si Laureana Novicio Ancheta. Si Heneral Luna ay nag-aral din sa Espanya, Pransiya at Belgium. Isa rin siyang ilustrado na nabantad sa mga ideya ng liberalismo at nasyonalismo mula sa Europa.

"Wala." Tawa ni Remedios.

"Tara na sa kubo at pagplanuhin na natin. Sumama ka na rin, Rem." Sinundan naman nila si Heneral Luna sa loob ng kubo at may parang mapa na may nakalagay na mga lugar.

Umupo naman si Remedios sa tabi ni Rusca. Eto naman si Rusca ay nguya ng nguya lang. Bitbit niya ang mga ensaymada kaya hihingi pa si Remedios.

"Pingi ah."

"Kuha ka lang."

Nagsimula na silang nagplano. "Hindi titigil ang pagdagsa ng mga Amerikano, Paco. Unti-unti tayong mauubusan ng pwersa. Kaya kailangan paghandaan na natin 'tong huling laban na ito.

"Malinaw po ang plano, Heneral. Sapat naman po ang binabalak niyong trintsera sa hilaga ng ilog ng Bagbag." Ani ni Roman.

"At mas lalong mahalaga itong hukay magmula Caloocan hanggang Novaliches. Habang natataranta ang mga Amerikano, aatras tayo papuntang Norte."

"Heneral." Sambit ni Jose.

"Ano?"

"Una po sa lahat, wala po tayong sapat na tao para maghukay ng ganito kalawak."

Pelikula - G. del PilarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon