Kabanata 10

630 42 239
                                    

•'¯'•

( KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ 10 )

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

( KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ 10 )


˜"*° NATAMAAN.

•'¯'•




Maraming nangyari sa araw na iyon. Nagkasagutan, nag away, may nangyari na putukan sa labas dahil sa isang matanda na hindi masunod ang napakadaling utos na huwag gagalaw.

May nakarinig din sa sinabi ni Heneral Luna at doon nagsimula ang desisyon ng kapwa Pilipino kung ano ang gagawin sa kaniya.

Ang tunay na anak ng kalayaan ay hindi pumayag na magpagapos na parang aso sa mga dayuhan. Mas masahol pa sa mga Amerikano ang mga taong inilalagay ang pansariling interes, sumusumpa ng katapatan para lamang sa sariling relihiyon at tribo... Ayan ang pagpapatunay na hindi pa tayo handang pamunuan ang ating sarili.

Kasama na nila si Joven at naging malapit na rin si Remedios sa kaniya. Naisip naman niya na sabihin ang mga alam niya sa nangyayari at dahil doon naging malapit sila. Magkapatid na ang turing nila sa isa't isa.

Ngayon nasa Bagbag na sila, pinag uusapan nila ang kanilang plano. Nakatayo lang sina Joven at Remedios sa gilid, nakikinig. Nalaman ni Heneral Luna ang pinaggagawa ng kaniyang kapwa Heneral na si Mascardo kaya nag padala siya ng telegrama.

Pinapaliwanag na ni Heneral Luna ang plano sa dalawa para may alam din sila sa nangyayari. Parang tatay si Heneral Luna na kinu kwentuhan ang kaniyang dalawang anak.

"Sana po'y pumayag sila." Wika ni Joven at tumango naman si Remedios.

"Dapat. Matagal namin tong ipinaghandaan."

Kapag hindi sila pumayag sa naisip ni Heneral Luna ay gagawin niya pa rin ito para lang sa Pilipinas.

May biglang pumasok sa kubo at nagsalita. Iyon si Roman may hawak na papel at ibinigay ito sa kaniya.

Kitang-kita sa mga mata ni Heneral Luna na galit siya dahil sa kaniyang binasa dahil sa katigasan ng ulo ni Heneral Mascardo mas pinili niya pang dumalo sa pista.

"Pakitanong mo nga kay Mascardo kung nakakaintindi siya ng Tagalog." Utos niya.

Lumabas na si Roman para ipasabi iyon sa isang sundalo na nagbigay sa kaniya ng sulat. Muli naman nagsalita si Heneral Luna.

"Diyan muna kayo at may kukunin lang ako." Ngiti niya sa dalawa.

"Joven, pwedeng pabasa ng mga nagawa mo?"

"Sige."

Parang magkapatid na silang dalawa dahil komportable na sila sa isa't isa tinuturuan na nga din ni Joven si Remedios na magsulat ng periodiko.

Pelikula - G. del PilarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon