Kabanata 23

363 35 142
                                    

•''•

( KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ 23 )

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

( KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ 23 )

˜"*° AGILA.

•'¯'•

Bumangon na si Gregorio at tumayo siya sa tapat ng bintana, mayamaya ay inaayos na ni Gregorio ang mga gamit niya. Ipinatong niya ang sombrero. May kwintas, singsing at palamuti ng Heneral sa lamesa. Pinagmasdan niya ang mga ito at naalala niya ang sinabi ni Remedios kahapon kaya dahan-dahan niya itong ginising.

"Rem. Remedios..." Gising niya, umupo na ito at kinusot ang mata.

"Ngayon na?" Tumango naman ito, tumayo sila sa tapat ng lamesa. Palihim na itinago ni Gregorio ang singsing sa lamesa at nilagay sa bulsa habang si Remedios ay abala sa pagtanggal ng kwintas na nasa leeg niya.

"Mag-ingat ka sa pagpunta niyo doon habang wala ako sa tabi mo ay kasama mo naman ang kwintas kong ito." Isinuot ni Remedios ang hawak niyang kwintas sa leeg ni Gregorio. Pinagmasdan naman ito ni Gregorio, nakaukit ang pangalan ng kaniyang kasintahan.

"Lagi mo akong kasama kapag soot mo 'yan. Balikan mo kami ah." Pagpapatuloy ni Remedios at niyakap niya ito.

"Pangako. Matulog ka muna ulit, mamaya pa kami aalis nang mga alasais. Ihahanda ko lang ang mga ito." Turo niya sa mga nakalagay sa lamesa, bumalik na sa higaan si Remedios at nagpatuloy na matulog.

Pakikinisin ni Gregorio ang kaniyang isang palamuti at humarap siya sa salamin, tinitignan ang sarili at sabay na pinikit ang kaniyang mga mata.

Ala singko na ng umaga ay nagising na si Remedios at agad na siyang nagpalit ng suot. Lumabas na sila ng kanilang tinutulugan at kumain na ng almusal.

Ang mga sundalo na sasama sa Pasong Tirad ay sumabay na rin sa kanila kasama sila Joven at ang anak ni Garcia na si Kiko. Ngunit habang sila Roman, Rusca at ang magkapatid na Bernal ay kailangan magpaiwan dahil iyon ang utos ng Presidente.

Lungkot ang gumuguhit sa mukha ni Remedios, napansin naman ito ni Gregorio, kahit siya ay nalulungkot pero ayaw niyang ipakita iyon kay Remedios.

Naunang umalis na ang mga sundalo. Nagpapaalam na si Gregorio kay Emilio at ang huli ay si Remedios. Dali-dali naman niyakap ni Remedios at lumuha.

Mayamaya ay kumulas na sila sa yakap, hinawakan naman ni Gregorio ang mukha nito. "Kapag umalis na ako, ayokong makita na may mga luha ang mukha mo kung hindi magagalit ako sayo." Pilit na tumango si Remedios at pinupunasan ang mga luha niya.

"Mahal na mahal kita, Rem. Tandaan mo iyon." Wika niya ulit, bago niya makalimutan ay may kinuha siya sa kaniyang bulsa, ito ay singsing.

Pelikula - G. del PilarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon