Epilogo

921 50 537
                                    

•''•

( EPILOGO )

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

( EPILOGO )

˜"*° PELIKULA.

•'¯'•

Sa wakas, nalaman na lahat ni Renee ang dahilan kung bakit napunta siya sa Sinaunang Panahon. 

Maraming nagdadasal at nangangarap na gusto nilang makapunta sa Sinaunang Panahon ngunit mahirap ito.

Pagkatapos ng mga araw na iyon ay pumasok sa isipan ni Renee na imposible na ulit mangyari ang mga bagay na iyon kaya pinapahalagahan niya na ang mga tao sa paligid niya.

Maraming natuwa at namangha sa kwento nila Remedios at Gregorio sa Pelikula ngunit hindi nila alam ang mga totoong nangyari.

Masasaksihan nila ito kapag maayos na ang plano ni Jerrold. Nagpaalam muna siya na kung pwede munang hiramin ang litrato nila Remedios at Gregorio, ngunit ang sabi ni Gregorio ay wala daw sa kaniya gayun na din kay Remedios.

Magsusulat na sana si Jerrold nang narinig niyang may kumatok sa kaniyang opisina kaya binuksan niya na ito. Ipinagbigay alam sa kaniya na may isang dugong del Pilar na nabubuhay pa maliban lang kay Paulo.

Agad naman nilang pinuntahan ito, nang makarating sila doon ay may nakasabay silang mga tao na mag iinterview. Pinakausapan ni Jerrold na pwede ba silang makinig at manood, pinayagan naman sila. 

Nalaman nilang si Ginang Felipa del Pilar ang natitirang buhay na pamangkin ni Gregorio del Pilar. Ang bunsong anak ni Pablo del Pilar. Si Pablo ay ang nakatatandang kapatid ni Gregorio. Si Ginang Felipa ay naninirahan sa Sitio Panique sa Barangay San Jose.

Nagsimula na ang panayam at nakatayo sila Jerrold at Rody sa likod na nakikinig.

"Ang tatay niyo po ay kapatid ni Goyo?" Tanong ng tagapanayam.

"Si Pablo." Wika niya habang hawak ang litrato ni Gregorio na kamukhang-kamukha ni Paulo.

"Si Pablo, opo. Eh si Pablo po ba ay mandirigma din katulad ni Goyo?" Umiling naman si Felipa at ipinagpatuloy ulit niya itong tanungin.

"Sa magkakapatid po ang Julian po ang naging ano mandirigma ano ho? Ang Pablo po hindi sumali." Umiling ulit siya. 

Mayroon ding kapatid na babae si Gregorio at ang pangalan ay Andrea. 

"Aware na po ba kayo? Conscious kayo na kayo ay lahi ng mga bayani?"

"Noong araw ho eh, ang pangalan kong Felipa eh 'di ko gusto eh." Tumawa naman sila.

"Bakit po?"

"Pangit po. Pero noong ako'y medyo tumanda na, sinabing 'yun ang ina ni Gregorio. Ako ay natuwa. Ako pala kako'y ipanares dun sa ina ni Gregorio del Pilar." Napangiti naman si Jerrold dito, iniisip niya nalang kung ano ang mangyayari kapag nagkita si Felipa at Paulo kapag sinabing na siya si Gregorio.

Pelikula - G. del PilarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon