Kabanata 15

553 41 208
                                    

•''•

( KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ 15 )

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

( KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ 15 )

˜"*° TAGU-TAGUAN.

•'¯'•

"Sasama na kami sa inyo! Kayo na ang bago naming Heneral!" Wika ni Jose Bernal. Agad naman sila nag sitinginan sa kaniya sa bintana.

"Totoo ba yan?" Tanong ni Gregorio at tumango naman siya.

"Pakawalan niyo na." Utos niya. Agad naman niyakap ni Manuel ang kaniyang kapatid na si Angel. Napakaraming sugat nito sa katawan dahil sa pinaggagawa nila.

"Mag-usap muna tayo." Tumungo naman ang magkapatid sa kaniya. Pinuntahan agad ni Remedios si Angel at ipinapasok sa bahay para gamutin ang mga sugat. Gustong makuha ni Remedios ang loob niya para hindi magkahiyaan sa isa't isa.

"Salamat po, binibini." Ngumiti naman si Remedios habang binabasa ang sugat niya gamit ang tela para hindi lumala ito.

"Angel, Rem na lamang. Pwede mo akong maging kapatid kung gusto mo."

"Talaga po?" Tumango naman siya kaya nakatanggap siya ng yakap.

"Dati ko pang gusto magkaroon ng kapatid na babae dahil puro lalaki naman sila."

"Sumasang-ayon ba kayo na sasama kayo ulit sa labanan sa ngalan ng Presidente?"

"Gagawin mo talaga ang lahat nang inuutos sayo ng Presidente-"

"Oo." Putol ni Jose kay Manuel.

"Madali lang pala kayong kausap eh. Bukas ko ibibigay sa inyo ang mga uniporme."

"Tara na." Sambit ni Vicente.

"Teka, kakausapin ko lang si Remedios." Pero pinigilan siya.

"Sa susunod na lang. Marami na nangyari ngayon, pingut na naman ang mararamdaman mo." Tinulak naman ni Gregorio nang pabiro ang kaniyang kapatid at nauna na itong naglakad.

"Hindi nalang ako magtataka na magkapatid sila ni Felicidad. Palaging masungit. Barilin ba naman ng malapot na titig kapag hindi nalaglag yang si Remedios."

"Nasa kabilang bayan lang si Teresing." Turo ni Vicente.

"Kailan ba 'yun naging sagabal? Magkapitbahay nga tinuturo din." Nagsitawanan naman sila.

Nagsusulat na si Joven sa papel para sa kaniyang Ama para ibalita kung ano na ang nangyayari sa kaniya. Nasa paupahan siya kasama ang kaniyang tiyo na si Miguel.

Mahal kong Itay,

Nawa'y malayo kayo sa panganib sa pagtanggap niyo sa sulat na ito. Hindi ko pa din maunawaan ang mga pangyayari. Noong lunes, ay kasama ko lang ang magiting na Heneral Luna. Ngayon, patay na siya at napasama naman ako sa campo ni Heneral del Pilar bilang alalay ni tiyo Miguel.

Pelikula - G. del PilarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon