Kabanata 21

468 36 117
                                    

•''•

( KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ 21 )

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

( KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ 21 )

˜"*° SIMULA NA.

•'¯'•




Madaling araw na at nagising si Remedios sa ingay ni Gregorio na nasa tabi niya kaya ginising niya ito.

"Huy, Goyo..." Kalbit niya. Agad naman itong bumangon.

"Nananaginip lang." Saad ni Gregorio. Naisipan ni Gregorio na pumunta sila sa ilog pero tumanggi si Remedios.

"Ah.... Eh- 'Wag na... Isama mo nalang sila Julian." Nagtaka naman si Gregorio kung bakit ayaw niya sumama. Tumatakas sila minsan ng mga ganitong oras para magpalipas ng hangin.

"Bakit ayaw mo?" Tinignan naman nang masama ni Remedios ang kaniyang nobyo. Tumawa nalang si Gregorio dahil alam na niya ang dahilan.

"Hindi ka makalakad?" Nakaramdam agad siya ng pingut at pinaalis na niya ito.

Gabi sa labas ng bahay. Nakatayo sila Vicente, Roman, Manuel, Jose. Dumadating naman si Gregorio, Rusca at Julian. Ang hirap gisingin ng dalawa dahil antok na antok ito, pinilit ni Gregorio sila Rusca at Julian na sumama na lang sa kanila.

"Nababaliw na 'tong si Goyong eh." Turo niya sa kaniyang kaibigan.

"Ano ba gagawin natin?" Tanong ni Rusca, inakbayan na lang siya ni Gregorio para tumikom ang bibig.

"Sino bang pwede pa nating isama?" Nagsimula na silang maglakad nang tumigil si Vicente sa isang bahay na kung saan doon nakikitira si Joven.

Umakyat naman agad si Vicente at Roman sa taas para isama ito. Kumatok sila ng dalawang beses na naging anim at sapat na ito para magising siya.

Pagbukas nito ay bumungad sa kanila ang matamlay at inaantok na si Joven. "Bakit po?"

"Sama ka sa amin." Hihilahin na sana siya ni Roman pero kinuha muna ni Joven at isinuot ang kaniyang salamin na nasa tabi ng kaniyang kama. Nakalabas na sila at bumati naman silang lahat sa kaniya.

"Magandang gabi, Joven." Ngisi nila at nagsimula na maglakad. Makalipas ang ilang minuto ay malapit na sila sa ilog at Papungas-pungas pa din si Joven habang naglalakad. 

"Kakaiba din makaisip ng despida 'tong si Goyong eh, noh?" Saad ni Julian habang humihikab.

May narinig silang ingay kaya tumigil silang maglakad. "Tahimik." Hinila nila agad ang isa't isa at nagtago sa talahiban. 

Pelikula - G. del PilarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon