Kabanata 9

644 47 238
                                    

•'¯'•

( KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ 9 )

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

( KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ 9 )

˜"*° UNANG PAGKIKITA.

•'¯'•






Pagkatapos nilang gawin iyon ay dumeresto sila sa opisina ng tren para kumain, habang si Roman ay inaasikaso ang mga sundalo sa labas.

"Parang mas masarap pa rin yung ensaymada dito eh!" Turo niya sa kape.

"Lahat nalang masarap sa iyo." Wika ni Remedios. Napatingin tuloy si Rusca sa kaniya at ngumisi.

"Talaga ba?" Nakaramdam tuloy siya ng hampas dahil sa sinabi niya.

Biglang dumating si Roman.

Mayamaya ay pumasok si Roman at mukhang may sasabihin siya. "Heneral!" Bati niya.

"Ano, handa na lahat?"

"Ah...may problema po tayo."

"Ano? Mga Amerikano?"

"Hindi po. Mga opisyal po natin. Inimbitahan po nila mga pamilya at kamag-anak nilang sumakay ng tren. Wala na pong masasakyan ang mga tauhan natin." Pagpapaliwanag niya at nagtawanan naman sina Remedios at Rusca.

"Punyeta!" Gigil niyang mura at agad na lumabas.

"Mas bagay ensaymada diyan." Sambit ni Roman bago siya tumungo sa labas.

Nagkatinginan naman ang dalawa sa kaniya at patuloy silang kumain.

Nasa harap na nila ang tren. Kumulo ang dugo ni Heneral Luna ng makita niya ang loob nito. Kinuha niya ang kahoy at pinagpapalo niya sa mga tao at dali-dali naman sila nag alisan.

"Tabi! Tabi! Mga inutil! Hindi tayo mamamasyal! Baba! Baba!"

Gano'n naman ang mga Pilipino. Laging inuuna ang pamilya at iyon din ang sakit natin. Kaya nating magbuwis ng buhay para sa pamilya pero sa isang prinsipyong makabayan.

Minsan sa isang labanan sa Malabon. Pansamantalang tumigil ang putukan para maghapunan ang dalawang kampo. May isang Amerikanong Koronel na kumakain sa loob ng isang bahay.

May buhat na dalang mga pagkain ang tagahatid at inilagay ito sa lamesa ng Amerikanong Kolonel.

"Good god, what is this?" Tanong niya habang inaamoy niya ang mga ito.

"I don't know, Sir. The locals seem to love it."

"Bring out the rations, private." Utos ng Kolonel sa sundalo.

"Yes, Sir."

"This stuff smells atrocious." Pag-iinarte na niyang wika.

Tinitignan ni Heneral Luna ang bawat galaw ng Koronel sa pamamagitan ng largabista.

Pelikula - G. del PilarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon