Kabanata 17

534 43 186
                                    

•''•

( KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ 17 )

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

( KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ 17 )

˜"*° MGA LASING.

•'¯'•

Ano kaya halaga ng isang bayani? Ano ba ang nasa likod ng kadakilaan? Bakit tayo'y pirming nakatingala sumasamba ng walang pagdududa? Bakit lagi lang tayong bulag na umaasa sa mga taga ligtas?

Sabi ni Heneral Luna, "Ang taong may damdamin ay hindi alipin." Ngunit ang pinapakita natin ay kung isang damdamin ito'y sanhi ng pagkabulag natin, alipin tayo ng sariling damdamin.

Madilim na ang paligid. Hindi pa rin makalimutan ni Gregorio ang nangyari kanina, hindi niya na pigilan ang kaniyang sarili sa pag sigaw kay Torres. Tumungo siya sa dagat at dumeretso sa laging inuupuan ni Remedios.

Malamig ang simoy ng hangin pero pinabayaan na lang niya ito. Pilit niyang tinatanggal ito sa kaniyang isipan sa pamamagitan ng pagpikit niya ng kaniyang mga mata.

Makalipas nang labing limang minuto ay may narinig siyang naglalakad pero pinabayaan niya lang ito dahil baka sa alon ng tubig ang naririnig niya. Naramdaman niya na may humawak sa kaniyang braso kaya agad siyang tumalikod at kinuha ang kaniyang baril.

"Uy! Ibaba mo 'yan! Ako ito si Remedios!" Tarantang wika niya, agad naman ibinaba niya ito.

"Anong ginagawa mo rito?" Hinubad niya ang kaniyang pangtakip ng uniporme at inilagay sa braso ni Remedios. Ginaw na ginaw na siya si Remedios pa kaya.

"Eh, anong ginawa mo dito? Pwesto ko ito eh." Tanong ni Remedios pabalik. Umiling-iling naman si Gregorio, kukuhanin na sana niya ang kamay ni Remedios para iuwi na ito pero nakaramdam siya ng sakit galing sa kaniyang paa.

"Sagutin mo ko." Tadyak niya.

"Iyan ka na naman. Nasasaktan na ako ah! At para sagutin naman ng tanong mo, gusto ko lang ilabas ang aking mga iniisip." Pagpapaliwanag ni Gregorio.

"Pasensya na. Ikaw naman kasi eh." Umupo siya sa bato at ginawa din naman iyon ni Gregorio.

"Ikaw, 'bat nandito ka?" Tanong niya pabalik. Hinigpitan ni Remedios ang pang taklob ng uniporme ni Gregorio.

"Gusto ko eh. Tsaka nga pala, pinapa sabi ni kuya na sa bahay nalang daw kayo matulog simula bukas."

"Marami na atang nandoon. Ngayon niya pinapasabi, eh gabi na at-" Pinutol naman ito ni Remedios.

"Baliw ka ba? Sa tingin mo papalabasin ako ni kuya ng ganitong oras? At yung kwarto naman nila Rusca ay tig dalawang higaan, yung natira nga tatlong higaan para sa inyo."

"Paano ka naman nakalabas?" Ngumiti naman si Remedios at niyakap ang kaniyang sarili.

"Sikreto. Baka 'di ko na magawa baka sabihin mo lang kila kuya." Tumawa naman si Gregorio. Nagkaroon ng kunting katahimikan at naisipaan na ni Remedios magsalita at naunawaan niya na kung bakit ang lungkot ng mukha nito.

Pelikula - G. del PilarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon