Kabanata 13

577 39 234
                                    

•''•

( KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ 13 )

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

( KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ 13 )

˜"*° ANGELITO.

•'¯'•




Lumipat ng ibang pwesto sila Remedios at ang dalawa kung saan sila bumaba ng kalesa para intayin ito. Maya-maya ay nakarating na, napansin nila na may isang kabayo sa likod ng kalesa na nakasabit.

"Manong, bakit may kabayo ho sa likod?" Tanong ni Remedios habang hinihimas ito.

"Ayan po yung sasakyan ni Heneral Goyo. Ay, oo nga pala. Pinapapunta po kayo ng Presidente sa Bulacan dahil po sa-"

"Sige. Manong, may kasama pa pala kami at huwag kang mabibigla." Putol ni Gregorio kay Manong.

"Ah, sino po-" Agad naman hinila ni Remedios ang sundalong Amerikano at napakamot na lang ito sa ulo, lumaki ang mga mata ni Manong dahil sa nakita niya.

"Huwag po kayong mag-alala! Mabait po siya at mapagkakatiwalaan. Teka, what is your name?"

"Oh! How rude of me. I'm James, James Williams." Tugon niya habang sumasakay ng kalesa.

"Manong, idaan mo kami kung nasaan ang kuya. Para makasabay natin si Goyong at may ibabalita rin ako sa kaniya." Tumango naman ito.

"Hoy! Sumakay ka na lang dito, sasama ako sa inyo. Huwag ka ng tumanggi kung hindi isang pingot ang matatanggap mo." Agad naman itinali ni Gregorio ang kabayo sa unahan para mas mabilis silang makarating at sumakay na siya sa kalesa.

Mga ilang oras ay nakarating na sila sa Bulacan kung saan lumaki si Gregorio. Itinuro niya naman ang daan kung saang lugar sila magkikita. Nakaabang na pala ito at nagtataka naman si Emilio kung bakit may kalesa at ang kalesang iyon ay kanina niyang sinakyan.

Unang lumabas si Gregorio para ikwento nang mabilisan ang nangyayari ngayon at may Amerikano silang kasama. Kasi alam na niya ang mangyayari kung may nakita silang kahit isang Amerikano ay babarilin agad ito.

Agad naman naglakad patungo sa kalesa si Emilio at sumilip. Nandoon ang kaniyang kapatid at si James. Yakap ang natanggap ni Remedios galing sa kaniyang kuya.

"Ayos ka lang? Wala ba'ng ginawa 'yan sa iyo?" Umiling naman si Remedios.

"Diyan muna si James at ibabalita ko ito sa mga sundalo dito at baka patayin siya." Umalis na siya at bumaba naman ang kaniyang kapatid sa kalesa dahil nangangalay na ito kakaupo.

Pelikula - G. del PilarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon