Kabanata 7

605 43 98
                                    

•'¯'•

( KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ 7 )

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

( KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ 7 )

˜"*° KUYA ANTONIO.

•'¯'•





Makalipas ang ilang araw ay may naganap na naman na labanan. Inaamin ni Remedios na kinakabahan siya sa araw na ito.

Nang marinig nilang may mga Amerikano na sumugod sa bayan na tinutuluyan nila ay agad naman silang gumulaw. Kinuha agad ni Remedios ang kaniyang mga gamit.

Marami na agad ang nabaril sa kanilang grupo. Kaya umakto na si Heneral Luna.

"Isang diretso lang ang paputok! Huwag aaksayahin ang bala! Fuego!" Utos niya.

Sinunod naman ng mga sundalo ang utos ng kanilang Heneral.

"Fuego!"

"Asintahin mo nang husto! Sayang ang bala!"

"Walang aatras! Fuego! Fuego!" Sigaw ni Roman. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad siyang nagpaputok at pumunta kay Heneral Luna.

"Heneral! Heneral! Nasa panganib ang kaliwang hanay!" Nilakasan niya ang kaniyang boses para marinig siya dahil sunod-sunod ang pagpapaputok ng mga baril sa pangkat ng mga Amerikano na nagsimula ng malaking ingay.

"Magpadala ka ng mensahe sa mga taga-kawit at sabihan mo si Kapitan Janolino na agapan niya ang kaliwang hanay. Walang dapat makalusot na kaaway." Agad naman umalis si Roman.

Bumalik agad ang atensyon ni Heneral Luna sa mga sundalo niya. "Huwag kayong matatakot! Sabay-sabay ang pagpapaputok. Huwag kayong panghihinaan ng loob!"

"Heneral, mas madali po siguro 'yun kung mas maraming pang buhay sa paligid namin." Tawa na wika ni Rusca at sabay nagpaputok.

"Pinatawag ko na ang mga taga-kawit."

"Naku po!" Tumawa na lang silang dalawa.

Napansin ni Heneral Luna na may tumakbo paalis sa posisyon nila kaya agad na sinundan niya ang dalawang duwag na sundalo.

"Huy! Saan kayo pupunta?"

"Mga duwag! Bumalik kayo! Mas matapang pa yung mga babae dito!"

"Oy! Magsibalikan kayo dito!" Sabi ng isang babaeng sundalo. Pinayagan ni Heneral Luna na magkaroon ng sundalong mga babae sa grupo niya. Wala siyang pake doon dahil kahit anong kasarian ang gustong lumaban ay payag na payag siya.

Ang iba na mang Heneral ay hindi sang-ayon dito dahil naniniwala sila na mas malakas ang mga lalaki.

May tatakas nanaman na sundalo kaya hinila niya ito at namukhaan niya pa.

"Ikaw? Anak ka ba ni Buencamino?" Pero umiling ito na parang nagdadalawang isip.

"Lumaban ka! Lumaban-" Kukunin na sana niya ang baril ng sundalo para ibigay ito sa kaniya pero tumakbo naman agad ito.

Pelikula - G. del PilarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon