Kabanata 18

514 35 100
                                    

•''•

( KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ 18 )

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

( KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ 18 )

˜"*° MIGUEL.

•'¯'•


Magtatanghali na at tulog pa rin ang iba. Sinubukan ni Remedios na magluto ng sabaw para sa mga lasing. Ang mga kasambahay naman ay inihahanda na ang Hapag Kainan at maya-maya ay gigisingin na nila ang mga ito.

Ang iba naman ay nakaupo nagkakape na. Tapos na siyang magluto at gigisingin na niya ang mga tulog pa sa pamamagitan ng malakas na katok sa kani-kanilang pinto.

Maya-maya ay nagsidatingan na ang mga ito at ang tatamlay, hinahawakan din nila ang kanilang ulo.

"Ang sakit ng ulo ko." Pagrereklamo nila.

"Ano ba'ng nangyari?"

"Ano ba sa tingin mo?" Sabay nilang turo sa mga bote na ininum nila. Nagsimula na silang kumain at nag usap.

"Wala lang si kuya, nag inom na kayo." Saad ni Felicidad.

"Gusto namin eh." Sambit ni Julian at iyan na naman sila tinitignan ng masama ang isa't isa.

Habang kumakain sila, inaalala ni Gregorio ang nangyari mga kahapon. "Tsaka nga pala, mamayang tanghali tayo aalis." Sabi ni Gregorio kay Remedios.

Napatigil tuloy si Remedios sa pagnguya at tinignan ang nasa harap niya.

"Ano? Bakit?"

"Akala mo nakalimutan ko yung kagahapon ah." Ngisi ni Gregorio. Ang mga tsismoso naman ay kinulit sila na ikwento daw ang nangyari kahapon.

Sa ugali ni Gregorio ay agad na ikinuwento at kilig na kilig pa sila at dito nagsimula ang asaran nila. Dumeretso na si Remedios sa kaniyang silid para makapamili na nang isusuot.

Napagkasunduan nila na tulungan ang dalawa sa paghahanda kaya si Felicidad ay agad na pumasok sa silid ng kaniyang kapatid at natira na mga lalaki ay sa silid ni Gregorio.

Kinuha ni Remedios ang baro't saya na kulay lila pero hinablot ito ni Felicidad.

"Wag 'yan! Yung kulay murang kayumanggi nalang." Wala nang nagawa si Remedios kaya iyon na lang ang sinuot niya. Inayos naman ni Felicidad ang buhok nito na naging resulta buhaghag ito at nilagyan ng ipit sa gilid nito.

Paglabas nila ng pinto ay kulay murang kayumanggi na uniporme din ang isunuot ni Gregorio. Kinuha na niya ang kamay ni Remedios at lumabas na ng bahay.

Tinignan naman ni Rusca sila habang umaalis na may kasamang lungkot pero ngumingiti pa din. Hindi mo malalaman kung gaano mo kagusto ang isang tao hangga't hindi mo siya nakikitang may gusto sa iba.

lahat ng dumarating ay hindi dapat manatili. Hayaan mo at matuto ng leksyon. Itigil ang pagsisikap na kumapit sa pag-asa na ang pagkakamali ay tama.

Kailangan mo lang matutong bumitaw at mapagtanto na... lahat ng bagay ay hindi panghabang buhay. Kung masaya siya sa piling ng iba. Bitawan mo at maging masaya ka dahil nakita mong masaya siya sa piling ng lalaki na gusto niya kaya iyon ang ginawa ni Rusca.

Pelikula - G. del PilarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon