Kabanata 5

674 48 42
                                    

•'¯'•

( KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ 5 )

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

( KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ 5 )

˜"*° KATOTOHANAN.

•'¯'•





"Direk! Pa'no ako napunta rito? At bakit naging Remedios Aguinaldo ako-" Pinutol ni Jerrold ang kaniyang sinasabi.

"Teka-teka ang dami mong tanong. Isa-Isa lang muna."

"Pano nga nakapunta ako rito? Deretsuhin mo na! Ang dami mong datdat." Tarantang banggit ni Renee.

"Napunta ka rito kasi ito ang iyong buhay na ikaw talaga si Remedios Aguinaldo."

Gulong-gulo pa rin si Renee sa mga nangyayari kaya nag tanong ulit siya.

"Paano ako naging Remedios Aguinaldo?"

"Dahil ikaw nga ikaw si Remedios." Tinignan nang masama ni Renee ang taong nasa harap niya.

"Hindi ako nakikipagbiro, ah..."

"Sige. Ibubuga ko na lahat, huminahon ka muna diyan baka, matunaw ako sa inis na titig mo. Una sa lahat, kaya napadpad ka rito kasi sa taong ito dito ka talaga namumuhay. Pinanganak ka noong 1879 which is 7 years old ka palang. Oo, kapatid ka ng magiging Presidente na si Emilio Aguinaldo."

"Mabuhay ka lang nang mapayapa dito pero kapag may nakaalam na galing ka sa kasalukyan ay hindi ka na makakabalik. Pwede mong baguhin ang hinaharap basta tandaan mo na isipin mo muna ang gagawin mo baka kung ano yung nabago mo ay maraming magbabago sa ating panahon. Baka hindi na maging malaya ang Pilipinas." Pagpapatuloy niya.

"Paano ako napadpad sa panahon niyo at ano ang dahilan?"

"Malalaman mo ang dahilan pagnatapos mo ang iyong misyon. Tsaka nga pala, be yourself kasi ikaw talaga si Remedios Aguinaldo. Wala ka ng katanungan?"

"Kailan ka ulit magpapakita?"

"Magpapakita lang ako kapag may sasabihin pa ako. I'm sure na wala ka ng tanong. Hanggang sa muli Remedios Aguinaldo..." Nawala siya ng parang bula.

Alam na lahat ni Remedios ang katotohanan. Hindi siya makapaniwala na sa sinaunang panahon siya nabuhay. Sobrang imposible talaga.

Nakikisama na siya sa kaniyang totoong pamilya. Natutunan niya rin ang bawat ugali nila. Sa ngayon, isasanay na niya ang kaniyang sarili na tawaging Remedios.

Si Emilio ay makulit na kapatid, laging nang-aasar pero, seryoso minsan. Ang kapatid naman niyang babae ay si Felicidad, mabait siya at minsan hindi namamansin.

Naalala niya na mayroong eksena na nangyari kina Remedios Nable Jose at Felicidad. Parang mataray siya sa pelikula pero hindi pala iyon ang katotohan.

Namasyal sila Maynila at may bahay sila doon. Mayaman ang pamilyang Aguinaldo. Ang tatay nila ay dating ang hinirang na gobernadorcillo (gobernador ng munisipyo) ng komunidad sa kolonyal na administrasyong Espanyol.

Lumipas nang labing isang taon ay pupunta na ng ibang bansa si Remedios para mag-aral ng mediko. Gustong isama ni Remedios ang kaniyang nakatatandang kapatid na babae pero tumanggi naman ito. Nasa barko na sila upang magpaalam sa kaniya.

"Anak, mag-ingat ka roon, ah. Mag-aral ka nang mabuti, huwag mo kaming kakalimutan." paiyak na sabi ng kaniyang Ina.

"Inay, medyo sobra na iyan." Tawa ni Remedios.

"Kaya nga inay, labing walo na si Remedios hindi na siya bata."

"Kuya, tumigil ka nga riyan."

"Rem, uwi ka agad pagkatapos mo makapag-aral, ah." Lungkot na sambit ni Felicidad.

"Syempre, uuwi agad ako. Ano ba'ng gagawin ko roon pagkatapos? Mag hahanap ng asawa?" Loko na sabi Remedios.

"Tumigil na nga kayo. Aalis na ang barko, tandaan mo na mahal na mahal ka namin." Nagyakapan na sila at mayamaya ay kumalas na.

Sumakay na siya sa barko na patungo sa Europa. Tinignan niya ang kaniyang paligid at muling nagsalita.

"Hanggang sa muli Pilipinas."

Makalipas ng ilang oras ay pinagmamasdan pa rin niya ang dagat. Alam niya na magiging Presidente ang kaniyang kapatid dahil nakipaglaban siya para sa isang malaya at malayang Pilipinas. Una, laban sa Espanya at pagkatapos ay laban sa Estados Unidos. Nang ideklara ng Pilipinas ang sarili bilang isang malayang republika noong 1898 at naging pangulo si Aguinaldo, isang makabuluhang ang naabot sa pakikibaka, laban sa kolonyal na paghahari sa Asya.

Nabasa niya ito na ibinigay sa kaniya na libro ni Jerrold dati. Gusto ni Remedios na mag-aral ng mag medisina para makatulong siya sa mga nasugatan na sundalo kapag nagsimula na ang laban ng mga Amerikano.

Nag-aral siya sa St Thomas' Hospital, London. Marami siyang natutunan kung pano magtahi ng sugat gamit ang kakaibang gamit. Nakakapanibago man sa kaniya ang mga bagay kasi walang mga Alcohol na magagamit.

Nakapag-ipon din siya ng pera, naisipan niya na bumili ng mga armas para i-uwi sa Pilipinas kaso wala siyang lisensya. Mapapahamak pa siya kung gagawin niya pa iyon. Kapatid niya naman si Emilio, pwede naman siya kumuha.

Makalipas ng isang taon ay nakapagtapos na siya ng kaniyang pag-aaral. Dahil sa kaniyang talino at galing ay maaga siya nakapagtapos.

Lagi siyang nagpapadala ng sulat sa kaniyang pamilya para lagi silang nagkakamustahan at ikinukwento kung ano na ang nangyayari sa Pilipinas.

Naikwento sa kaniya ni Felicidad na mayroon na daw siyang kasintahan, pero hindi sila nagtagal. May hinala siya na si Gregorio del Pilar iyon, iniisip niya pa rin na hitsura ba ni Paulo ang makikita niya.

Nagpakita ulit sa kaniya si Jerrold at pinaalam na hindi nabubuhay ang pamilyang Nable Jose kaya magbabago nang kaunti ang inaasahan niyang mangyayari katulad doon sa pelikula.

Siyam na buwan na din siyang nagtrabaho sa Ospital bilang isang manggagamot. Marami siyang natutulungan na may mga sakit mayroon pa ngang nangliligaw sa kaniya pero, tinaboy niya lang kasi sa susunod na buwan ay uuwi na siya ng Pilipinas. Dalawang taon lang siya nanatili sa Europa.

━━━━━━━━━━━━━━━

≋ ━━━━━━━━━━━━━━━ ≋

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

━━━━━━━━━━━━━━━

Pelikula - G. del PilarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon