Kabanata 24

505 35 270
                                    

•''•

( KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ 24 )

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

( KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ 24 )

˜"*° PAGDILAT.

•'¯'•

May dalawang tao na nalaglag sa bangin at ang mga Amerikano ito na natamaan na malapit sa kanila, nakita nila na nakatayo si Emilio na nakatutok pa rin ang baril sa dalawang nalaglag.

Kasama nito sila Jose, Manuel, Rusca at Roman na patuloy pinuputukan ang baril sa mga kalaban. Ningitian ni Emilio ito at sinenyas na bumalik sa itaas, agad naman silang tumungo doon.

Nakapwesto na ang mga dagdag na kawal at sundalo na nanggaling kila Heneral Alejandrino at Mascardo. Ipinadala nila ang anim na put apat na mga sundalo. May mga sundalo na rin sa pulang bandila.

Pinag usapan nila Alejandrino at Mabini na siguradong matatalo ito dahil alam nila na sa mga linggo na paglalakbay nila Gregorio ay mauubos ang mga sundalo kaya pinasunod ni Alejandrino ang kaniyang sobrang kawal.

Kay Mascardo naman ay tumulong na din sa pamamagitan nang tinutukan siya ng baril ni Alejandrino at binantaan, agad naman nitong pinadala ang mga sundalo niya.

"Fuego!" Sigaw ni Emilio at nagsiputukan sila, maraming natamaan na mga Amerikano sa tuktok. 

"Sir, I'm not sure we can go there!" Tinignan ni March ang mga kasamahan niya na kakunti na lamang ito.

"Where is the Company H?" Tarantang tanong ni March, umiling naman ang mga ito.

"Doon kayo sa kanan magpaputok! Dito kami sa kaliwa!" Sigaw ni Manuel.

"Umayos kayo! Isa, dalawa, tatlo! Putok!" 

Nakasalubong nila Doktor Villa at Barcelona sila Kiko at Joven, tinuro nila ang direksyon pabalik sa Cervantes. Tsaka na lang sasamahan ni Joven si Kiko dahil may mga sundalo sa ibaba. Mahihirapan silang makatawid doon dahil baka makita pa sila. 

Tumatakbo na ang mga Doktor sa nangyayaring labanan, dala-dala nila ang mga panggamot at tela na pang balot sa sugat.

"Anong ginagawa niyo po dito?" Tanong ni Gregorio habang binabaril ang nasa gitna.

"Napagdesisyunan namin." Sagot naman ni Emilio, tumango nalang si Gregorio na patuloy nagpapaputok.

Tumatakbo sila Rusca at Roman sa pwesto nila Juan kasama ang pitong sundalo. Lalong lumakas ang kanilang loob dahil mukhang mananalo na sila dahil marami na silang nababaril na mga Amerikanong sundalo.

"Tuloy niyo lang!" Sigaw ni Roman sa kanila habang nilalagyan pa ng bala ang kaniyang baril.

"Walang susuko." Pagpapatuloy ni Rusca. Naalala niya na parang parehas ang nangyari ngayon sa dati noong sumugod ang mga Amerikano noong nasugatan si Remedios pero binawela niya na lang iyon at nagpatuloy.

Pelikula - G. del PilarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon