Kabanata 11

576 43 166
                                    

•'¯'•

( KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ 11 )

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

( KABANATA ⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ 11 )

˜"*° PAGPAPAKILALA.





Nakauwi na si Heneral Luna sa bahay ng kaniyang Ina. Bumungad siya ng mga kaniyang kaibigan sa sala para marinig ang balita.

Tinignan muna niya sila at umiling. Randam niya pa rin ang inis na dumadaloy sa kaniyang dugo. Pumanik na siya upang makapag pahinga.

Kinuha niya ang kaniyang gitara para patugtugin at doon ilabas ang galit na nararamdaman niya.

Sa bilis at lakas ng kaniyang pagpapatugtog ay hindi niya naririnig ang katok mula sa pinto.

Pero parang hindi na ito katok ng pinto parang may sumipa pa, agad naman napatigil si Heneral Luna sa pagpapatugtog.

"Lintik!" Inis niyang sigaw, nilapag na niya ang gitara at binuksan ang pinto.

"Sino ba 'yang katok ng katok?!" Bumungad sa kaniya ang sampal ng kaniyang ina.

"Lintik ka rin, kanina pa kami katok nang katok!" Pumasok na sila sa loob. Eto naman si Remedios ay lihim na tumatawa.

"'Nay, Rem? Bakit po?"

"Mi Antoñito. Patingin nga. Mabubuhay ka pa naman." Yakap niya sa kaniyang anak.

Napansin na ni Heneral Luna na tumatawa pa rin si Remedios kaya tinignan niya na lang nang masama.

"Kuya, sa nanay mo lang pala takot ka. Akala ko wala kang tinatakutan maliban lang sa Panginoon." Tawa ni Remedios.

"Dapat lang. Remedios, upo ka muna dito para hindi ka mangalay." Umupo naman siya.

"Pinakulong mo daw si-" Pagpapatuloy ni Laureana ngunit naputol ito.

"Mascardo ho? Oo, pagkatapos-" Sagot ni Heneral Luna.

"Hindi. Si Quinito ang kuya mo. Nakipag-away daw dahil sa isang babae?" Putol niya din.

"Oho." Alam ni Remedios na ang Inay ni Heneral Luna. Pagbukas pa nga lang ng pinto ay yumakap agad si Laureana sa kaniya at pinapasok ito. Inalagaan nga siya nung nalaman niya na may nangyari sa kamay ni Remedios.

"Mukhang hapong-hapo ka namayat ka rin. Nakakatulog ka pa ba?"

"Nasa gitna tayo ng digmaan, Inay."

"Alam ko."

"Binigyan ka namin ng ama mo ng magandang edukasyon. Sa kabila ng lahat, pinili mong sumabok sa ganitong gulo." Panenermon niya.

"Ito ang tadhana ko, Inay."

"Ito nga ba? Maupo ka. Remedios?" Tawag niya.

"Po?"

"Diba na kwento mo sa akin na marunong ka maggitara?" Tumango naman ito.

Pelikula - G. del PilarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon