CHAPTER 1

25.1K 507 101
                                    

"Staring is rude. Do you know that?"

__

"Ms. Muran, can you hand this to your Prof. Sanchez sa English building. Tell him that's the grade of his advisory in my class. Thank you." Our communication teacher handed me the brown sealed envelope.

I immediately obliged and started walking to the English building as fast as I could. "Hoy Kris, anong ginagawa mo dito? Magta-time na ah." Suway ng kaibigan kong si Gracia nang magkasalubong kami. Pabalik na siya sa classroom namin habang ako naman ay papunta sa English building.

"Inutusan ako ni Ma'am. Grades ng student ni Mr. Sanchez. Pasahan na kasi eh." Nagmamadaling ani ko at nilampasan nalang siya.

Malapit na kasing mag bell para sa next subject namin. Ayoko namang mahuli sa klase dahil baka mapagalitan pa ako ng proffesor ko. Si Mr. Mecha pa naman ang next subject namin. Argh!

Hindi naman kasi talaga oras ni Mr. Mecha. Dapat ay before lunch siya ang kaso, nakipagpalit siya sa last subject namin sa hapon. Nakakainis.

"Sir? Pinapabigay po ni Ma'am Servano. Ito na daw po yung grades ng students niyo." Pagkarating ko sa classroom ni Sir Sanchez ay agad ko itong iniabot sa kaniya.

"Salamat iha." aniya lang at nagpasalamat na rin ako at nagmadalung lumabas upang makabalik na sa classroom namin.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang wala pa si Mr. Mecha sa klase namin. Research II Ang subject namin sa kaniya at grabe pa naman siya kung mangpressure sa 'min kaya ayokong nahuhuli sa klase niya.

Baka bigla akong barahin no'n at kung ano ano na naman ang lumabas sa bibig. He's not that strict, may topak lang.

"Hey Kris, may practice daw kayo ng sayaw mamaya? Sayang yayayain ka sana ni Jiyo sa park mamaya." ani ni Gibby, isa sa mga kaklase ko.

"Tumigil ka riyan, Gibby kung ayaw mong sa labas magklase." suway ni Gracia na ikinatawa ko lang.

"Pres naman, niyaya naman talaga siya ni Jiyo ah? Kahit tanungin niyo pa si Jiyo, nasa kabilang section lang." Inirapan lang siya ni Gracia at hindi na pinansin.

"Anong oras ba yung practice mamaya?" baling ko kay Aiza na nasa kaliwa ko.

"Four to seven daw eh. Kailangan daw magpractice mamaya kasi si Ma'am Servano raw yung mago-observe." bulong ni Aiza. Nag-iingat sa huling pangungusap.

"Alam na ba ni Maxie?" Tanong ko at tumango lang siya.

Sakto raw kaninang inutusan ako ni Ma'am Servano nang pumunta sa classroom ang dance leader namin at nag announce na may magaganap na practice mamaya. Narinig iyon ni Ms. Servano at siya na raw ang nagpresintang mag-observe.

Pagdating ni Mr. Mecha ay agad na kaming natahimik at nagsimulang makinig sa klase niya. Maingat kong inililista ang mga sinasambit niya upang hindi ko ito makalimutan. Mayroon naman siyang hand-outs na pinapamigay ngunit hindi ko ata kayang makinig lang dahil hindi iyon maproseso ng utak ko.

"Goodbye Mr. Mecha." huling bati namin at saka kami nagkagulo. Ganito talaga kami kapag uwian na. Hindi na nagkanda-ugaga sa yayaan at pagliligpit ng gamit.

"Ano tara na? Sabay na tayong pumunta sa Dance Hall." Ani ni Maxie habang sinusuklay ang buhok niya. Pinagmasdan ko lang silang ayusin ang mga sarili nila pagkatapos kong iligpit ang mga gamit ko.

Inayos ko ang pencil skirt kong pang-ibaba at yung tie ko saka isinukbit ang bag. Pagkatapos nilang magsiligpit ay sabay-sabay na rin kaming lumabas.

"Haynako! Salamat naman at nasa second semester na tayo. Sa wakas ay matatapos na rin yung impyernong buhay natin dito sa Senior High School." reklamo bigla ni Aiza kaya pinagtinginan namim siya.

Our Ending [OUR SERIES #1]Where stories live. Discover now